NAPATUNAYANG guilty ng Caloocan City Regional Trial Court Branch 125 ang tatlong pulis na sangkot sa pagpatay kay Kian delos Santos.
Hinatulan sina PO3 Arnel Oares, PO1 Jeremias Pereda at PO1 Jerwin Cruz ng reclusion perpertua at hindi maaaring bigyan ng parole dahil sa pagpatay kay delos Santos noong Agosto 2017.
Batay sa depinisyon ng Korte Suprema, pinakamaiksi ang 30 taong pagkakabilanggo para sa mga hinahatulan ng reclusion perpetua.
Pinawalang sala naman ang tatlo sa kasong planting evidence laban kay delos Santos.
Matatandang nagdulot ng kaliwa’t kanang batikos ang gera ng gobyerno kontra droga dahil sa pagpatay kay delos Santos.
Base sa datos, umabot na sa mahigit 5,000 ang napapatay simula nang simulan ng administrasyon ang kampanya kontra droga noong 2016.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.