Taon-taong pagtaas ng buwis sa yosi aprub na
INAPRUBAHAN na ng House committee on ways and means ang panukala na itaas taon-taon ang buwis sa sigarilyo.
Ang pagtataas ng P2.50 sa excise tax ng sigarilyo ay bahagi ng tax reform program ng Duterte government.
Itataas ng P2.50 ang excise tax sa sigarilyo sa loob ng apat na taon simula 2019 at simula sa 2023 ay itataas ito ng apat na porsyento kada taon. Ang pagtataas ay ipatutupad tuwing Hulyo.
Ayon sa chairman ng komite na si Nueva Ecija Rep. Estrellita Suansing ang buwis sa sigarilyo ay magiging P37.50 sa 2019, P40 sa 2020, P42.50 sa 2021, at P45 sa 2022.
Sinabi ni House Deputy Speaker Sharon Garin na ayaw pa sana niyang itaas ang buwis sa sigarilyo dahil katataas lang nito ngayong taon, pero siya ang nag-mosyon na aprubahan na ang maliit na pagtataas na ito.
“I moved for the increase, very minimal lang because personally, I didn’t want any increase yet, because we just did this year, so I wanted a full assessment and then congressional oversight to check did we do the right thing? Did we increase enough or did we have a shortfall, kasi we wanted to increase the revenues para to have more money for the universal health care but we also want curb the smoking,” ani Garin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.