MULING nagbuga ng abo ang Bulkang Mayon kaninang umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Alas-5:33 ng umaga ng muling pumutok ang bulkan. Umabot sa 300 hanggang 500 metro ang taas ng abo na ibinuga nito.
“Weak to moderate emission of white steam-laden plumes that drifted southwest was observed most of the day.”
Kapag gabi ay makikita rin na nagbabaga ang bunganga ng bulkan.
Noong Lunes ay dalawang beses nagbuga ng abo ang bulkan.
Nananatili ang Alert Level 2 sa bulkan na nangangahulugan na maaari itong pumutok at dumaloy ang lava.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.