5th Pasay 'The Travel City' Racingfest lalarga sa Linggo | Bandera

5th Pasay ‘The Travel City’ Racingfest lalarga sa Linggo

- November 29, 2018 - 05:05 PM

Ang pinakamalaking club-organized racing extravaganza at sasambulat sa Linggo, Disyembre 2, sa pagtakbo ng 2018 Pasay “The Travel City” Racing Festival sa MetroTurf Racing Complex sa Malvar, Batangas.

Inaasahang magiging kapanapanabik muli ang ikalimang edisyon ng karerang ito tampok ang apat na major races at walong trophy races na handog ng Metro Manila Turf Club.

Anim na local at imported gallopers ang magpapaunahan sa 5th Pasay “The Travel City” Cup na may total prize na P700,000 para sa unang apat na magtatapos kung saan P420,000 dito ang mapupunta sa kampeon.

Ang mga opisyal na kalahok sa 1,600-meter race na ito ay sina Secret Affair (CS Pare, 51); Shoo In (CP Henson, 51); Truly Ponti (OP Cortez, 54); Tin Drum (RG Fernandez, 56); Anino (DH Borbe Jr, 51); at Eugene Onegin (PR Dilema, 52).

May P700,000 ding nakalaan para sa 5th Pasay Mayor Tony Calixto Cup na paglalabanan ng siyam na kalahok. Ito ay sina Dugong Bughaw (OP Cortez, 54); When The Wolf Bite (BZ Llarenas, 52); Twin Oak (JA A Guce, 52); My Jopay (JB Hernandez, 52); Barayong (KB Abobo, 54); I Feel Good (RM Garcia, 54); Full of Grace (CP Henson, 52); Oktubre Katorse (VM Caminero Jr, 54); at Morning Girl (RO Niu Jr, 52). Ang distansiya ng karera ay 1,400 metro.

Ang 4th Former Pasay OIC Mayor Eduardo “Duay” Calixto Cup naman ay paglalabanan sa distansiyang 1,600 metro at co-sponsored ng Pagcor.

May kabuuan itong premyo na P500,000 at ang mga challenger ay sina Helushka (RM Garcia, 52); Filipino Emperor (OP Cortez, 54); Happy Maggie (JB Guce, 52); Garantisado (JB Hernandez, 54); Certain To Win (JP A Guce, 52); Disyembreasais (JB Cordova, 54); Senor Lucas (Dan Caminero, 54); Princess Eowyn (PR Dilema, 52); Marino ng Tanglaw (DH Borbe Jr, 54); Gentleman Jim (FM Raquel Jr, 54); at The Barrister (KB Abobo, 54).

Ang mga may-ari, trainer at hinete ng mga nanalong kabayo sa tatlong major race na ito ay pagkakalooban din ng tropeyo bawat isa.
Lalarga rin ang Philracom Grand Championship na may total prize na P1 milyon at paglalabanan ng anim na kabayo.

“Inaanyayahan po namin kayong samahan kami at panoorin itong ating pakarera na ngayon ay nasa ikalimang edisyon na. Nagpapasalamat din po tayo sa lahat ng ating mga sponsors at sa lahat ng tumulong para ito ay maging successful,” sabi ni Pasay City Mayor Calixto.

Samantala, magpapa-raffle ng mga appliances at Christmas grocery items kara karera sa MetroTurf sa Linggo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending