FG gustong bumiyahe, sa Japan sasalubungin ang 2019
NAGHAIN ng mosyon si dating First Gentleman Jose Miguel Arroyo upang makabiyahe siya sa Japan at Hong Kong.
Hiniling ni Arroyo sa Sandiganbayan Seventh Division na payagan siyang umalis mula Disyembre 26 hanggang Enero 6, 2019.
Mula sa Pilipinas ay tutuloy siya sa Japan at tutuloy sa Oakwood Premier Hotel Tokyo. Mananatili siya doon mula Disyembre 26 hanggang Enero 1.
Sa Hong Kong ay tutuloy siya sa Kowloon Shangri-La sa Kowloon.
“The Honorable Court has, for many times before, permitted him to travel and he has always returned here as it is here where his family and business interests are, hence, he has no reason not to return. He is, thus, not a flight risk.”
Handa umano si Arroyo na muling sumunod sa mga kondisyon na itatakda ng korte.
Si Arroyo ay nahaharap sa kasong katiwalian kaugnay ng maanomalya umanong pagbili ng Philippine National Police ng dalawang second hand na helicopter noong 2009 sa presyong brand new.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.