DAHIL ilang araw na lang at Disyembre na at mag-uumpisa na ang halos araw-araw na Christmas party at gathering, tiyak na mapapagana na naman ang marami sa i-nom at pagkain. At dahil din diyan, marami rin ang baka sa ospital mag Bagong Taon dahil hindi nakontrol ang pagkain ng matataba, matatamis at maaalat na pagkain.
Hindi naman ipinagbabawal ang pagkain ng makolesterol at matatamis na pagkain, at ang pag-inom, huwag lang sobra. Sabi nga ng mga doctor, dapat laging in moderation ang lahat.
Yung iba naman namomroblema sa kanilang waistline pagkatapos ng Christmas season dahil dahil nagsikipan ang kanilang mga damit.
Bago ka sumabak sa kainan ay naririto ang ilang tips bago ka lumapang nang lumapang ngayong Kapaskuhan.
1. Huwag magpagutom
Para makatiyak na hindi ka mag-o-over eat sa pupuntahang Christmas party, tiyak na busog ka bago pa pumunta rito nang saganon ay hindi mapaparami ang kain mo sa mga matataba at makolesterol na pagkain.
May mga tao naman na umiinom muna ng tubig 30 minuto bago kumain. Sa ganitong paraan, magiging stable na ang tiyan at hindi acidic. Mas mabilis matunaw ang pagkain kapag mataas ang acid sa tiyan kaya mas mabilis na magutom.
2. Huwag magmadali sa pagkain
Hindi dapat magmadali sa pagkain. Take your time na nguyain ito nang malasahang mabuti. I-enjoy ang bawat subo at kagat sa iyong kakainin. Sa ganitong paraan, mas napo-proseso ng isip ang pagkain.
Ang mabilis na paglunok ng pagkain ay nagpapatagal para mairehistro ng iyong katawan na busog ka na, sobra-sobra na ang iyong nakain. Kapag hindi mo rin ngi-nunguya nang mabuti ang iyong pagkain ay mahihirapan din ang i-yong tiyan na tunawin ang iyong kinain.
Sa pag-aaral, luma-labas na 20 minuto ang kinakailangan para mairehistro sa utak na puno na ang tiyan. Kaya kung mabilis kang kumain ay baka nasusuka ka na sa busog bago ka masabihan ng utak mo na tama na.
3. Watch your weight
Kung conscious ka sa iyong timbang ay maganda kung ang mga pagkain na high in protein ang iyong kainin. Manok ang numero unong handa na pwedeng-pwede sa iyo. Huwag mo na lang sabayan ng santambak na kanin.
May mga tao na i-naalis pa ang balat ng manok para makaiwas sa kolesterol.
Okay din ang mga pagkain na mataas ang fiber content.
4. It’s all in the plate
Ang susi raw para hindi maparami ang iyong kain ay kumuha ng maliit na plato na siyang iyong pagkakainan. Huwag i-yong mala-bandehado.
Sa ganitong paraan, hindi masyadong marami ang makukuha mo at hindi masasayang sakaling hindi mo pala gusto ang lasa.
5. Umiwas sa kolesterol
Karaniwan sa mga handaan ang litson at hamon. Hindi pinagbabawalan ang pagkain nito pero dapat hinay-hinay lang.
Mga dalawang hiwa na kasing laki ng posporo ay OK na. Ang iba ay natatakam lang at ang kailangan lang ay malasahan ito ayos na.
Meron din namang good cholesterol na makakain na nakukuha sa isda kaya isama ito sa i-yong kukunin.
Pero hindi dahil seafood ay ligtas na sa kolesterol. Maraming lamang-dagat na mataas ang cholesterol gaya ng hipon at crabs. Kung mataas na ang cholesterol mo, huwag mo ng i-challenge ang sarili mo at ikaw din ang talo.
6. Umiwas sa inu-ming nakalalasing
Palaging magtitira ng pang-uwi. Pwedeng uminom pero dapat alam mo ang iyong limitasyon. Kung iinom ka, dapat hindi ka magmaneho pauwi. Tandaan na ang drunk driving ay hindi isang traffic violation kundi isang criminal offense, kaya kulong ka kapag nahuli ka.
Hindi rin naman maganda kung maaaksidente ka at burol mo na ang kasunod ng party. Nakakaawa rin naman ang iba na maaaksidente mo.
At hindi rin naman maganda kung sa ospital ka magpapasko. Nagastusan ka na, nasaktan ka pa.
May pag-aaral na nagsasabi na mas marami kang naiinom kapag mababa na malapad ang baso. Kaya ang suhestyon, pumili ng baso na matangkad pero payat.
7. Busugin ang sarili sa prutas
Bukod sa leche flan at buko pandan, baka meron ding prutas sa handaan na iyong pupuntahan. Maganda kung ito na lamang ang iyong kakainin para healthy. Mas mabilis ka ring mabubusog kapag ang mga matubig na prutas ang iyong kakainin.
8. Tubig is life
Huwag kakalimutan na uminom ng tubig. Si-guradong babaha ng softdrink at juice pero huwag pa ring kakalimutang uminom ng tubig. Kadalasan na matamis ang mga inumin sa party kaya banlawan ang iyong lalamunan ng tubig.
May pag-aaral na nagsasabi na uminom ng tubig bago matulog para mabawasan ang tyansa na atakehin.
Kung uminom ka ng alak ay maganda rin na uminom ng uminom ng tubig para mailabas agad ng katawan ang alkohol.
9. Umiwas sa puyat
Kung may lakad ng maaga kinabukasan, huwag masyadong magpagabi. Bagamat masaya ang makipag-party, huwag kakalimutam ang mga responsibilidad kinabukasan.
Kung kulang ang oras ng tulog mo, baka hindi ka mapakinabangan kinabuksan kaya mababalewala rin ang iyong page-enjoy kung ikaw din naman ang mamomroblema pagkatapos.
Ang hirap pa naman kung puyat ka na stress ka pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.