JAMES YAP yumabang, nahawa na kay KRIS | Bandera

JAMES YAP yumabang, nahawa na kay KRIS

Jobert Sucaldito - July 10, 2013 - 06:00 AM

SAAN ka nakakita ng kuwentuhang may gag order daw sina James Yap and Kris Aquino pero lahat ng napag-usapan sa korte ay lumalabas din naman sa media?

Hindi man sila direktang naku-quote pero nababasa natin ang almost everything (kasunduan and what nots!) sa mga entertainment columns ng ilang mga katropa natin at napapanood sa ilang TV programs.

Pinalalabas lang nila ang etching na “ayon sa mapagkakatiwalaang source” (kanino pa kaya manggagaling ang impormasyon, aber?) ang mga balitang ito.

At sinong matapang na judge ang kayang pagalitan si Kris who is a presidential sister, sige nga?  Tingnan nga natin kung hindi maisalya ang sinumang huwes na magtatapang-tapangan?

A gag order is a gag order na dapat sinusunod, di ba? Pero ngayon lang tayo nakarinig ng echos na gag order pero kumpleto ang detalyeng nasusulat sa dyaryo.

Paano nakalabas ang usaping si James na raw ang sasagot sa P700,000 na yearly tuition fee ng anak nilang si Bimby sa isang international school?

Kung tutuusin, isang public display of luho ang pagbubunyag ng ganoon kalaking tuition fee na binabayaran ni Kris para sa anak. They are giving the public the opportunity para kainggitan sila – para kamuhian na sa gitna ng kahirapan ng bansa ay heto sila’t nagbabayad ng ganoon kalaking halaga para sa tuition fee lamang ng isang primary grader.

It is sending a wrong signal to every Pinoy na halos hindi na makakain at makapag-aral. Tuition fee pa lang ni Bimby ay katumbas na halos ng isang taong suweldo (or even more) ng mag-asawang nasa middle class.

Nandoon na tayo that Kris has the capacity to pay for even more pero hindi na dapat ito pinangangalandakan sa public. For how long kaya makakaya ni James Yap na magbayad ng ganoon kalaking halaga ng tuition fee ng anak?

He doesn’t have as much as Kris’ bank account. Sa ngayon ay baka kakayanin pa niya dahil fresh pa ang nakuha niyang dahtung kay Kris as part of their compromise agreement or what.

Pero until when? Hindi naman siya forever star basketeer na babayaran ng limpak-limpak for the rest of his life. What if hindi na niya kayang bayaran ang ganoon kalaking halaga?

Does that make him an irresponsible father na? Delikadong argumento na naman iyan pag nagkataon. Sobrang taas ng lifestyle nila pero nakukuha pa rin nilang kumuha ng public sympathy.

Marami pa ring nagtatanga-tangahang mga tagahanga ang mga ito na sumasakay naman sa isyu ng mayayaman samantalang kumakalam ang sikmura ng sambayanan.

Pinagtatalunan nila sa korte ay milyon-milyon at hindi na sila nahiyang ipangalandakan sa buong kapuluan – they don’t even realize siguro how much effect nito sa public na sobrang naghihirap.

Hay naku Kristeta – OA ang dating ng problema ninyo sa public. Don’t make the world look stupid – kung may ganyang isyu kayo, keep it to yourselves. Settle that quietly with your ax and don’t make a big fuss out of it.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Your issue (or problema na ninyong itinuturing) is a non-issue  for the so many Pinoys. It’s getting off-hand.  Away-mayaman lang iyan – problema ninyo visitation rights samantalang ang problema ng bansang ito ay konting pagkain lamang sa hapag-kainan ng bawat pamilya.

Tumigil nga kayo. Ang OA-OA ninyo. Ito namang si James – nakikisabay sa yaman ng ex niya,  hindi pumayag na makihati lang kay Kris sa tuition fee ng anak – nagyabang pa at siya raw ang sasagot ng kabuuan. Hasus, ang isang dating pobreng batang taga-Negros Occidental ay nahawa na rin sa mga Aquino.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending