Female celebrity galit na galit pa rin sa dating BF na aktor, hindi maka-move on
PINAGTATAASAN ng kilay ng kanyang mga kasamahan sa trabaho ang ginagawang pagpapaselos ng isang kilalang young actress sa kanyang ex na guwapong young actor.
Walang naniniwala sa kanyang drama na nakapag-move on na siya, na limot na niya ang guwapong young actor, alam na alam ng kanyang mga katrabaho na hindi pa rin siya nakalilimot.
Kuwento ng isang source, “Para paniwalain niya ang lahat na hindi na siya affected ng relasyon nila ng ex niya, meron siyang kino-close na male personality ngayon.
“Nagbabakasyon sila sa kung saan-saan na magkasama, post sila nang post ng mga pictures na magkasama sila, pero wala namang inaamin, mga ganu’ng drama ng girl na hindi naman pinaniniwalaan ng kanilang mga kasamahan.
“Sabi nga ng isang close dati sa girl, kung totoong nakapag-move on na siya, dapat, e, indifferent na siya sa guy, pero hindi, e! Galit na galit pa rin siya sa ex niya, bitter-bitter-an pa rin siya, ‘yun ba naman ang nakapag-move on?
“Hindi na niya kailangan pang makipag-close sa ibang guy kung totoong healed na siya. Wala na siyang kailangang props, du’n lang maniniwala ang mga nakapaligid sa kanya na nakalimot na nga siya!” madiing chika ng aming impormante.
Sa mga kuwento-kuwento ay lumalabas na ang pagiging selosa at matalak ng young actress ang pagiging dahilan ng split-up nila ng guwapong young actor.
“Sobrang selosa at insecure kasi ng babaeng ‘yun! Ewan kung bakit siya ganu’n, samantalang nakapako na nga sa kanya lang ang ex niya. Konting bagay lang, nakatalak na siya, masyado niyang hinahawakan sa leeg ang lalaki!
“Wala siyang pinipiling lugar, kahit sa set ng serye nila, inaaway niya talaga ang boyfriend niya, napapahiya naman siyempre ang lalaki, di ba?
“Ayun tuloy, saan nauwi ang matamis kunong pagmamahalan nila? Naging maasim, hindi na kinaya ng guy ang pagiging selosa ng girl, kaya siya mismo ang nakipaghiwalay!
“Sabi siguro ng guy, kung ganu’n nang ganu’n ang ugali ng girlfriend niya, e, mas magandang umalis na lang siya! Umalis nga ang young actor, umalis na talaga siya!” pagtatapos ng aming source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.