TJ: Hindi ako mahihiyang tawaging mama's boy | Bandera

TJ: Hindi ako mahihiyang tawaging mama’s boy

Jun Nardo - November 23, 2018 - 12:30 AM

NAKAKAIYAK ang mensahe ni Lyn Cruz, asawa ni Tirso Cruz III, para sa namatay na anak na si TJ na kanyang ipinost sa Instagram.

Binawian ng buhay ang 37 years old na binata nu’ng Miyerkoles nang umaga dahil sa lymphatic cancer.

“I remember you telling me, ‘di ako mahihiya Ma na tawaging Mamas’ Boy. I am proud to be a Mama’s Boy.’

“Oh my dearest TJ, I am proud of you my dearest son! My first born son! You have a very good heart! A strong man! A warrior!

“The Lord blessed me with you! Pinahiram ka sa akin ni Lord for 37 years, and I thank God for that. I am blessed! You are now dancing with the Lord! You fought a good fight anak!

“I will miss you so much! I will miss your talks, yung tawanan natin, paghati natin sa food, yung pagdaan mo sa room ni Papa mo before you leave the house and pag-uwi mo, yung kumakanta tayong dalawa while you were in the hospital praising and worshipping God, our morning and evening prayer time…so many things na mami—miss ko about you…so many beautiful memories and I will cherish for the rest of my life!

“You will always be in my heart! I love you son! Mama loves you Mama’s Boy. I love you TJ!”

Panganay si TJ sa dalawa pa niyang anak na sina Bodie at Djanin.

Ang labi ni TJ ay nakaburol sa isang chapel sa Funeraria Paz sa Manila Memorial Park. Ang aming taos-pusong pakikiramay sa mga naulila ni RJ.

q q q

Napatunayan ng Sunday PinaSaya na mas gusto ng manonood ang maging relax, sumaya at tumawa kapag nananonood sa TV tuwing Linggo.

Of course, alam na ng lahat ang naging kapalaran sa ratings game ng ASAP versus SPS sa tatlong magkakasu-nod na linggo. Pero hindi dahilan ‘yon upang maging kampante ang mga host at taong nasa likod ng Sunday show ng GMA 7, huh!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tuloy pa rin ang misyon nilang paligayahin ang manonood every Sunday afternoon. Hindi sila magsasawang maghatid ng nakaaaliw na panoorin living up to the program’s title, Sunday Pinasaya!

Kaya ngayong Linggo, humanda na uling sumakit ang tiyan at mapagod ang mga panga sa katatawa, pati na rin sa bonggang entertainment na inihanda ng buong tropa ng SPS!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending