Kris tumangging magbuyangyang ng boobs; pumping scene tinanggal din
PINATANGGAL ng Kapuso star na si Kris Bernal ang ilang love scene na dapat sana’y gagawin nila ni Jake Cuenca sa pelikula nilang “Kontradiksyon.”
Sabi ni Kris sa aming exclusive interview sa kanya during the last shooting day ng “Kontradiksyon,” nakalagay sa script na meron siyang pumping, moaning and breast exposure sa love scene nila ni Jake.
“Kinakabahan ako at si-nabi ko talaga na hindi ko ‘yun gagawin. I even asked my manager na parang three restrictions. Sabi ko po, ayoko ng may magpa-pump and magpapakita ng chest. Sabi ko, no,” pag-amin ni Kris.
Nakipag-meeting raw ang manager niya sa kanilang direktor na si Niel de Mesa prior to the shoot.
Ipinaalam ng manager ni Kris sa direktor na ayaw niyang gawin ang mga pinagagawa sa kanya.
“May skin naman na ipapakita but not ‘yung topless. Tsaka ayoko talaga nu’ng nagmo-moan ako on screen at pumping, paano ‘yun? I mean, kaya ko siyang iarte but then it’s against my values. It’s against what I believe,” esplika niya.
Nag-adjust naman daw ang director nila sa mga pinatanggal niya sa script. Nauunawaan naman daw siya ni Direk Niel. Malaking bagay na naging magkaibigan na sila at nakapag-build ng magandang relasyon.
“Sinabi ko ‘yun kay Jake. Sabi ko sa kanya, ‘Jake, sorry, ha. Doon sa love scene natin, pwede ba you do all the works. Parang susu-nod lang ako kasi mas hasa ka diyan, e. Mas alam mo ‘yan.’ Kasi mas nagpo-portray siya ng sexy roles more than I do and gina-guide naman niya ako,” lahad pa niya.
Deadma at wala na raw siyang pakialam sa sasabihin ng iba. Ready na rin daw siyang laitin ng mga basher just in case.
“Oo, wala talaga akong pakialam kahit sabihin nilang maarte ako. Kaya nu’ng sinabi sa akin ni Direk Niel ‘yun, sabi ko, ‘Direk, sorry, ha. Hindi ko siya gagawin kung ipapagawa n’yo sa akin ‘yung nasa script.’ I mean, maghanap na lang kayo ng ibang leading lady if kailangan n’yo ng babaeng nagmo-moan at nagpa-pump, at magpapakita ng boobs. Huwag na lang,” diin pa ni Kris.
Ang “Kontradiksyon” ay advocacy film nang nagbabalik na Belstar Films ng yumaong si Bella Tan of Universal Records.
q q q
Tuluyan nang inireklamo sa korte ng manager ng all-male group na Clique 5 na si Len Carillo ang isa sa mga member ng grupo na si Rocky Rivero. Bukod kay Rocky, nauna nang sinampahan ng kaso ni Len ang kapatid ni Rocky na dating member din ng Clique 5.
Nag-ugat ang reklamo kay Rocky dahil sa pagiging unprofessional umano nito at hindi pagsipot sa mga shows at pagiging late sa mga rehearsals ng grupo. Hindi na rin ito nagparamdam sa kumpanya pagkatapos ng bakasyon nito sa ibang bansa.
Napuno na ang mabait na talent manager kaya naman naghain na siya ng reklamo para magsilbi itong aral sa kanyang mga kapwa talents sa 3:16 Talents and Events.
“Yung sa kapatid niya, yes, umuusad na. Kasi nauna ‘yung sa ka-patid niya. Pero magkahiway ‘yung case na isinampa namin sa magkapatid. Mga end of the month ‘yung first hearing namin doon sa kapatid. Kasi ‘yan ‘yung una naming isinampa. ‘Yung kay Rocky, kasi recent lang naman niya ginawa. So, demand letter lang muna ang ibibigay namin, kapag hindi siya nag-reply, ayun na ‘yon,” lahad ni Len.
May mga show raw kasi na hindi sinisipot ni Rocky at halos lahat ng rehearsals ay hindi rin nito pinupuntahan.
Aminado rin si Len na nahirapan silang i-manage si Rocky dahil sa attitude nito pero binigyan pa rin daw nila ito ng pagkakataon para patunayang karapat-dapat pa rin siya sa tiwala ng talent management.
“Siguro ang unang-unang naging mali ko, ‘yung pera kasi kikitain pa natin ‘yun, e. ‘Yung emosyon na binigay mo, ‘yung feelings. Kasi I treat them na parang mga anak ko na talaga, as in, talaga. Hindi na sa mo-ney, e,” pahayag ni Len.
Willing din daw siyang i-release si Rocky provided na maibabalik nito ang lahat nang nagastos ng kumpanya sa pagbi-build up dito na kung tutuusin ay binigyan pa ng bonggang birthday party at regalong bakasyon sa Australia.
Ang iba pang members ng Clique 5 ay sina Marco, Sean, Karl, Clay, Gab, Kaizer and Calvin. Bukod sa kanila, pa-tuloy pa rin si Len sa pagtuklas ng mga bagong talents. Todo pa rin ang suportang ibibigay niya sa Clique 5 na nagpakita ng respeto at loyalty sa kanya.
Sa katunayan, naghahanda na ang 3:16 Talents and Events sa back to back concert ng Clique 5 at Belladonas sa Pebrero sa Skydome.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.