Rajo Laurel hindi susukuan si Maymay kahit nabigo: In God’s time, I will wait
HINDI pa rin susuko ang sikat na Filipino fashion designer na si Rajo Laurel na makuha ang serbisyo ni Maymay Entrata sa kanyang fashion event.
Matagal nang nais makatrabaho ni Rajo ang PBB Lucky Season 7 Big Winner, sana nga raw ay makarampa ang dalaga sa upcoming fashion show niya in collaboration with Hello Kitty ngayong Biyernes, Nov. 23, pero mukhang malabo na raw itong mangyari dahil sa dami ng kanyang commitments.
Sa kanyang Twitter account, ibinalita pa ng fashion designer na pinadalhan din niya ng flowers si Maymay, na kasalukuyang nasa Dubai ngayon para sa pagrampa naman niya sa Arab Fashion Show.
Aniya sa kanyang caption, “In God’s time, I will wait.” Kung matatandaan, sinabi noon ni Rajo na may bago siyang creation na kanyang ginawa para talaga kay Maymay.
Nauna rito, nag-tweet din si Rajo ng, “My dream is for @maymayentrata07 to walk on show. Nov 23 is the date. I am creating a piece specially gif her. I pray this will happen.”
Samantala, tuwang-tuwa naman ang MayWard fans sa pagrampa ni Maymay sa Arab Fashion Show kung saan isisuot niya ang mga damit ng internationally acclaimed designer na si Furne One para sa Pinoy-owned clothing brand na Amato Couture.
Si Maymay ang kauna-unahang Filipina celebrity na nabigyan ng chance na makarampa sa nasabing international modeling event.
Sa Instagram account ng Star Magic, ipinakita ang ginawang preparasyon ni Maymay para sa Arab Fashion Week na nagsimula kahapon. In fairness, talagang kinarir ng dalaga ang pag-eensayo sa catwalk sa tulong na rin ni Furne One.
Kahapon dumating ang Kapamilya young actress sa Dubai kasama ang ka-loevteam na si Edward Barber.
Talagang all-out ang suporta ng binata kay Maymay na isinama pa ang kanyang kapatid na si Laura Barber.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.