Zsa Zsa masama ang loob sa ASAP? | Bandera

Zsa Zsa masama ang loob sa ASAP?

Reggee Bonoan |November 22,2018
facebook
share this

Zsa Zsa masama ang loob sa ASAP?

Reggee Bonoan - November 22, 2018 - 12:10 AM

ZSA ZSA PADILLA

Sino nga ba ang may final decision sa mga dapat isama at hindi Christmas Station ID ng ABS-CBN?

Anyway, may isa pa kaming nabalitaan, may favoritism daw sa bagong reformat na ASAP Natin ‘To dahil ‘yung mga dating regular host ay tuluyan nang nawala sa line-up.
Hindi na namin babanggitin kung sinu-sino ‘yung mga nawala dahil marami namang nakapanood sa launching ng bagong ASAP.
Sa pagkakaalam namin ay wala sa bansa si Martin Nievera dahil may Global Pinoy shows sa London kasama sina Papa Ahwel Paz, Enchong Dee, Julius Babao at Bea Alonzo.
Isa pang wala last Sunday ay si Zsa Zsa Padilla na ang dinig namin ay nasa ibang bansa rin, pero may nagsabi rin na hindi talaga siya nakarating sa show. At may narinig pa kaming nagtampo ang Divine Diva dahil wala siya sa line-up.
Oo nga, isa pa naman si Zsa Zsa sa original host ng ASAP. Sana maayos ito dahil nakatitiyak kami na maraming fans ang maghahanap sa kanya lalo na sa TFC.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending