Vice kay Calvin Abueva: Isa siya sa mga nagpapaganda sa akin! | Bandera

Vice kay Calvin Abueva: Isa siya sa mga nagpapaganda sa akin!

|November 20,2018
facebook
share this

Vice kay Calvin Abueva: Isa siya sa mga nagpapaganda sa akin!

- November 20, 2018 - 12:15 AM


DIRETSONG inamin ng Unkabogable Star na si Vice Ganda na isa ang basketball superstar na si Calvin Abueva sa mga dahilan kung bakit ang ganda-ganda ng aura niya ngayon.

Ayon kay Vice, espesyal ang relasyon nila ni Abueva kaya kahit anong sabihin ng ibang tao laban sa kanila ay dedma lang sila, dahil ang mahalaga ay maligaya sila kapag magkasama.

Nakachika ng ilang members ng entertainment media at bloggers ang TV host-comedian sa opening ng flagship store ng Vice Cosmetics sa Market Market nitong weekend kung saan ni-launch din ang mga bago nilang produkto.

Grabe! Akala mo talaga may rally sa loob ng Market Market sa dami ng mga taong sumugod doon para makita si Vice up close and personal at saksihan ang opening ng Vice Cosmetics doon na matatagpuan sa ground floor ng mall.

“Maganda itong puwestong ito, tapos malakas, pinag-aralan nila eh, malakas ‘yung area na ito,” sey ng Phenomenal Box-Office Star kasabay ng pasasalamat sa lahat ng matiyagang naghintay at nakipagsiksikan ng ilang oras para lang makita siya.

Ibinalita rin ng It’s Showtime host na bukod sa mga lipstick, meron na rin silang bagong line para sa cheeks, “Ito ‘yung blush on, contour, at high lighters. At maganda naman ang feedback at marami ang nagandahan kasi light lang sila,” sabi pa ni Vice.

Sa opening ng kanilang flagship store, in-announce rin ni Vice ang pagiging official endorser ng mga anak-anakan niyang sina Maymay Entrata at Kisses Delavin.

“Ako mismo ang pumili kina Maymay at Kisses kasi noong naghahanap kami kung sino ang puwedeng mag-represent ng Vice Cosmestics, bukod sa akin, sila ang naisip ko. Kasi sila ang mukha ng mga kabataan ngayon.”

Natanong din siya kung ano ang lipstick na ginagamit niya kapag nakikipag-date o kapag kasama niya si Abueva? “’Yung Severe lipstick kasi gusto niya ‘yung mapula. Kahit ‘yung kapatid niya nagli-lipstick din at saka ‘yung Phenom. Parang puso ko, mapula may dugo pa siya.”

“Actually, isa siya (Calvin) sa nagpapaganda sa akin bukod sa make-up ng Vice Cosmetics. Baka nga gawin kong endorser si Calvin, ‘yung lola niya, ate niya, buong pamilya niya. Na-meet ko na ang Mommy niya at bago ko pa siya nakilala talagang ang lipstick ng VC ang ginagamit niya.

“Kaya nga ‘yung promise kong bibigyan ko sila ng isang box ng lipstick hindi ko pa naibibigay. Ha-hahaha!” chika pa ng TV host-comedian.

“Basta masayang-masaya ako ngayon. Kaming dalawa, masaya akong kasama ko siya, at natutuwa ako na may mga taong sumasaya rin for me. Marami akong nababasang magagandang comments sa online.

‘Yung mga tao naman eh, hindi na ganoon kababaw at hindi na ganoon kababoy ang tingin (sa friendship ng lalaki at bading) kasi ang mga tao parang diring-diri, ano ba yung marumi? Ano bang mali?

“Tumatalino na rin unti-unti kahit paano ang mga tao. Magaganda na ang feedback, ibig sabihin gumaganda ang estado ng puso ng mga tao, mas nagiging welcoming, mas understanding, ine-embrace na nila nag ganoong konteksto at ganoong uri ng pakikipagkaibigan,” seryosong paliwanag ni Vice.

Hirit pa niya, “Ngayon lang naman ako nagkaroon ng kaibigang lalaki na proud sa akin. Yung hindi proud sa akin niligwak ko. Si Calvin kasi wala siyang pakialam. Open siya. Eh alangan namang ako pa ang umarte. Ako pa yung magtago baka batukan pa ako. Eh, proud siya sa akin na kaibigan niya ako, mas lalong proud akong kaibigan ko siya. Masaya kami kung anong mayroon kami.

“And his family napakabait sa akin. Masaya ako roon at saka yun lang panatag ang loob ko. Hindi tulad dati na kapag may kasama akong kaibigan natatakot ako kapag nakikita kami ng ibang tao sa labas, yung lagi kaming kubli nang kubli ngayon parang may kapayapaan ang puso ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kasi kung siya walang iniisip bakit ako mag-iisip. Kung siya hindi namomroblema hindi rin ako, kampante rin kaya nakakaganda ng aura,” chika pa ng nag-iisang Unkabogable Star.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending