Kiko Rustia tuloy ang paggawa ng dokumentaryo sa Norte | Bandera

Kiko Rustia tuloy ang paggawa ng dokumentaryo sa Norte

- November 20, 2018 - 12:35 AM


KINAKARIR pa rin ng TV personality at Survivor Philippines alumnus na si Kiko Rustia ang pagbuo ng mga makabuluhang dokumentaryo tungkol sa iba’t ibang lugar at komunidad sa bansa.

Ito’y dahil na rin sa pagkakapili sa kanya ng Victory Liner bilang ambassador ng isa sa biggest bus companies sa bansa.

Ang kanilang partnership ay nananatiling matatag hanggang ngayon bilang si Kiko nga ang tumatayong simbolo ng advocacy ng Victory Liner to “give back to the people” sa pamamagitan ng mga dokumentaryong ginagawa niya na nagtatampok sa mga natatanging lugar na dinadaanan ng bus company patungong Norte.

Ang mga dokumentaryong ginagawa nila ay mas lalong naglapit sa Victory Liner sa mga taong kanilang pinagsisilbihan,

“Marami kaming mga lugar na binibisita sa paggawa ng mga dokumentaryo and I am proud to say na alive na alive pa rin ang Filipino hospitality sa iba’t ibang lugar sa ating bansa.

“Mainit ang pagtanggap sa amin ng mga tao, kahit sa mga lugar na hindi naman ruta ng Victory Liner. Mababait sila at handang tumulong. At lagi nila kaming inaalok ng masasarap na pagkain,” kuwento ni Kiko.

Bilang token of appreciation sa mga loyal patrons ng bus company, naglunsad ang Victory Liner ng Piso Trip Round 2 Promo. Ito ay isang seat sale promo ng Metrobank Card Corporation (MCC) sa pakikipagtulungan sa Victory Liner. Ang libreng pasahe ay binabayaran ng MCC.

Ang promo ay eksklusibo sa VL Premiere Prepaid Visa Cardholders na puwedeng mag-enjoy ng round trip ticket at P1 each trip going to Cubao-Baguio at Baguio-Cubao.

Narito ang travel period: Cubao-Baguio: Nov. 22-25, 2018; Dec. 6- 9, 2018: Baguio- Cubao; Nov. 25-26, 2018; at Dec. 9-10, 2018. Mag-log on lang sa victoryliner.com para mag-book.

Para mag-avail ng VLP Visa Card, pumunta lang sa anumang Victory Liner Bus Terminal, mag-present ng isang valid ID at magbayad ng P300.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending