Kiko Rustia excited sa muling pagbubukas ng Boracay; nami-miss na rin ang showbiz | Bandera

Kiko Rustia excited sa muling pagbubukas ng Boracay; nami-miss na rin ang showbiz

- September 04, 2018 - 12:35 AM


ISA sa mga naapektuhan ng pagsasara ng Boracay ang celebrity travel host at vlogger na si Kiko Rustia.

Si Kiko ay dating Survivor Philippines castaway na naging isa sa mga host ng Born To Be Wild sa GMA 7.

Nagkaroon ng maliit ng negosyo ang pamilya ni Kiko sa Bora ngunit dahil nga sa rehabilitation ng isla hindi na sila kumikita nang maayos.

Pero ayon kay Kiko positibo pa rin siya na maibabalik pa rin ng Duterte government ang ganda at linis ng Boracay matapos ang ilang buwang rehabilitasyon nito.

Sa October 26, kung hindi na magbabago ang plano, muling bubuksan sa publiko ang Boracay at umaasa ang dating Kapuso host at iba pang negosyante na tuluy-tuloy na ito para sa kanilang kabuhayan.

“We couldn’t be happier in Boracay. Actually mas competitive sa Bora. ‘Yung business naming hotel, ‘yung Koks Place in Diniwid at iba pang mga hotel du’n, magkakatabi. Ours is just a humble hotel. B&B, AirBNB style.

“We have six rooms and then plus two more for backpackers. It’s challenging. The best outcome is we actually have more time for the family,” ani Kiko.

Sa vlog naman ni Kiko which he posted on his YoutTube channel bago ang closure ng Boracay, sinabi niyang, “‘Yung place namin- sa Coco’s Place- medyo nabawasan ‘yung booking namin and is not doing well.”

Inamin naman niyang nami-miss din niya ang showbiz at looking forward siya na makabalik sa GMA, lalo na sa mga public affairs show ng Kapuso Network kung saan siya nagsimula.

Samantala, bilang ambassador ng Victory Liner at endorser ng Yazz Prepaid Card ng Metrobank Card, hinikayat ni Kiko na mag-avail ng first-ever Piso Trip seat sale promo exclusively para sa mga VL Premier Prepaid Visa cardholders.

Mula Sept. 1 to 3, all VLP Prepaid Visa cardholders who book bus tickets online at www.victoryliner.com for the Cubao-Baguio route (2 p.m. trip) and Cubao-Olongapo route (12 p.m.) for Sept. 10-16 travel period will only be charged P1 inclusive of online booking fee.

Para makapag-avail ng Piso Trip, cardholders simply need to load up their VLP Prepaid Visa Card, go to www.victoryliner.com to book, and use the card to pay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang mga loading station ng VLP car ay matatagpuan sa SM malls, Robinsons malls, National Book Store, Family Mart, RD Pawnshop, H Lhuillier, Petron Treats, major Victory Liner bus terminals.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending