Coco Martin-Albayalde meeting itinakda dahil sa ‘Ang Probinsyano’
NAKATAKDANG magpulong ang aktor na si Coco Martin at Philippine National Police Chief Director General Oscar Albayalde sa susunod na linggo para talakayin ang reklamo ng PNP kaugnay ng television prime time hit series “Ang Probinsyano.”
Sinabi ni PNP Spokesperson Chief Supt. Benigno Durana Jr. na tinanggap ni Albayalde ang kahilingan ni Coco.
“Tinanggap na ni Chief PNP ang request ni Cardo [or] Coco Martin sa isang meeting. Alam ko sa Monday. Tinanggap na ni Chief PNP iyon para pag-usapan ‘yung mga detalye ng aming cooperation so that we will probably, hopefully, we can arrive at a situation where [we can be] mutually beneficial to both parties,” dagdag ni Durana.
Idinagdag ni Durana na inaasahang dadalo rin ang mga nasa likod ng Ang Probinsyano.
“Why will we be complicit to a TV program that destroys us and that destroys public interest?” sabi ni Durana. “Ganoon ang suporta namin, tapos to our detriment.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.