DUMALO na sa sesyon sa plenaryo ng Kamara de Representantes kahapon si dating First Lady at Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos, dalawang linggo matapos siyang hatulan ng guilty sa pitong kaso ng katiwalian.
Alas-2:30 ng hapon pa lamang ay nasa session hall na si Marcos. Ang sesyon ay nagsisimula ng alas-3 ng hapon.
Hindi naman nagpaunlak ng panayam si Marcos.
Noong Biyernes ay pinayagan si Marcos na maglagak ng P150,000 piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Si Marcos ay hinatulan ng guilty sa pitong kaso ng graft noong Nobyembre 9 kaugnay ng mga Swiss bank account na binuksan nito at ng kanyang mister na si dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.