Matteo, Sarah balak nang magpakasal sa 2019, pero kumontra raw si Mommy Divine

By Alex Brosas November 19,2018
share this

Matteo, Sarah balak nang magpakasal sa 2019, pero kumontra raw si Mommy Divine

By Alex Brosas November 19,2018
share this

HOW true ang kumakalat na chikang gusto nang pakasalan ni Matteo Guidicelli si Sarah Geronimo kaya lang ay ayaw pa yatang pumayag ni Mommy Divine?

Ang chika, nagpaalam na raw si Sarah sa kanyang parents about her and Matteo’s decision to tie the knot next year.

Pumayag raw ang fadir ni Sarah pero itong si Mommy Divine ay parang bata raw na nag-tantrum. True ba ito?

Anyway, kung true na balak nang magpakasal nina Matteo at Sarah ay tiyak na maraming Popsters ang kikiligin at matutuwa.

Ano pa nga ba ang hahanapin ni Sarah, eh, para na siyang nasa langit sa piling ni Matteo. Wala na siyang mahahanap na guy na may qualities ng isang Matteo, ‘no. Good catch na si Matteo. Galing ito sa magandang pamilya, matalino, may mga businesses, secure na secure siya at higit sa lahat sobrang mapagmahal sa kanya. Ni minsan ay hindi siya binigyan ng sakit ng ulo.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending