Controversial actor mabubuhay kahit hindi magtrabaho, bilyon ang halaga ng ari-arian | Bandera

Controversial actor mabubuhay kahit hindi magtrabaho, bilyon ang halaga ng ari-arian

Cristy Fermin |November 17,2018
facebook
share this

Controversial actor mabubuhay kahit hindi magtrabaho, bilyon ang halaga ng ari-arian

Cristy Fermin - November 17, 2018 - 12:15 AM


AYON sa kanyang mga kaibigan ay hindi magugutom ang isang sikat na male personality kahit pa matagal na panahon siyang hindi magtrabaho. Hinding-hindi raw mauubos ang kanyang mga biyaya.

Nu’ng kasagsagan daw kasi ng kanyang karera ay nagkaroon na mga kagrupo ang male personality na ang linya ay pagbili ng mga propyedad sa malalayong probinsiya.

“Napatropa siya sa mga young executives, mga yuppy ang naging kaibigan niya. Puro negosyo ang nasa utak nila, nasa buy and sell ang iba, kaya marami siyang natutunan.

“Naglalabas siya nang milyones para sa mga properties sa malalayong lugar, bumibili talaga siya, mura lang nu’ng mabili niya ang mga lupain na ang presyo ngayon, e, tatlong doble na!

“Kaya marami siyang properties, milyones ang halaga, kahit hindi na siya magtrabaho, e, siguradong mabubuhay siya nang maayos. ‘Yun ang maganda sa kanya, gumagastos din siya sa paglabas-labas nilang magkakaibigan, pero mas nasa business ang kadatungan niya,” simulang chika ng aming source.

Isang dangkal na kuno ang kapal ng mga dokumento ng propyedad na nabibili ng sikat na aktor, napakarami na, kapag ibinenta raw niya ‘yun nang sabay-sabay ay magiging bilyonaryo ang male personality.

“Ganu’n ang taong naghahanda na para sa kinabukasan niya, hindi basta-basta gumagastos nang walang katuturan. Marunong siyang humawak ng pera, alam niya kung saan isusugal ang kaperahan niya.

“Kaya sa mga nag-iisip na baka wala na siyang datung ngayon dahil matagal na siyang hindi nagtatrabaho, e, easy lang sila, naka-secure na ang kinabukasan ng male personality.

“Isang property lang ang ibenta niya, e, mabubuhay na naman siya nang kahit ilang taon nang hindi niya kailangang magtrabaho. Mahusay!” pumapalakpak pang kuwento ng aming source.

Wala pa rin sa bokabularyo ng sikat na male personality ang pagbabalik-trabaho, ine-enjoy pa niya ang mahaba niyang pahinga, kasama ang babaeng nagpapaligaya sa kanya ngayon.

Pagtatapos ng aming source, “At may anak na siya ngayon! Kumpleto na ang buhay niya, wala na siyang hahanapin pa.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, hindi na kayo mauupo n’yan sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan, pramis!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending