1 patay, 17 bahay nasunog sa Valenzuela City | Bandera

1 patay, 17 bahay nasunog sa Valenzuela City

|November 16,2018
facebook
share this

1 patay, 17 bahay nasunog sa Valenzuela City

- November 16, 2018 - 05:32 PM

ISA ang patay, samantalang 34 na pamilya ang apektado matapos na sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Valenzuela City, kaninang umaga, ayon sa Valenzuela Fire District.

Sinabi ni Fire Officer I Frederico Sablay na naitala ang sunog ganap na alas-6:02 ng umaga sa isang residential area sa Block 5 Claudio Molina st., Barangay Veinte Reales.

Idinagdag ni Fire Officer I Frederico Sablay na makalipas ang pitong minuto itinaas sa second alarm ang sunog.
Idineklara ng fire district na kontrolado ang sunog ganap na alas-7:15 ng umaga at tuluyang naapula ganap na alas- 7:58 ng umaga.

Sinabi ni Sablay na isa sa mga residente ang namatay sa sunog, na kinilala na si Rolando Argote Sr., 56.

Idinagdag ni Sablay na napinsala naman ang 17 bahay na ayon sa mga otoridad ay umabot sa P350,000 halaga ng mga ari-arian ang naabo.

Inaalam pa ang naging dahilan ng sunog.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending