Gunitain ang mga namatay sa bangaan | Bandera

Gunitain ang mga namatay sa bangaan

Ira Panganiban |November 16,2018
facebook
share this

Gunitain ang mga namatay sa bangaan

Ira Panganiban - November 16, 2018 - 12:10 AM

ANG darating na araw ng Linggo, November 18, 2016, ay itinakdang “World Day of Remembrance for Road Traffic Victims” upang gunitain ang mga biktima ng banggaan sa lansangan, buhay man o namatay.

Ito ay dahil napakaraming buhay na ang naapektuhan ng karahasan dulot ng pagwawalang bahala sa mga alintuntuning panlansangan o road rules.

Ayon sa DOTr, nito lamang 2018, umaabot na sa 10,012 ang namamatay dahil sa road crashes sa bansa at hindi pa natin inaabot ang panahon ng pasko kung saan mataas ang mga insidente dahil sa dami ng party at inuman.

Sa buong mundo ay may average na 1.25 million katao taon-taon ang namamatay dahil sa banggaan sa kalye ayon sa World Health Organization.

Nakakabahala ang mga bilang na ito lalo na kung iisipin natin na halos kalahati ng araw ng mga mahal natin sa buhay ay ginugugol sa lansangan at trapik.

Kailangan na nating simulang isipin ang kapakanan ng kapwa natin tuwing tayo ay nagmamaneho.
Dapat sabihan na natin ang mga driver ng pampublikong sasakyan na ayusin ang kanilang pagmamaneho upang maging ligtas tayo, pati na din ang ibang tao at motorista sa paligid natin tuwing tayo ay nasa daan.

Alalahanin natin na ang sasakyan ay isang toneladang bakal na hinahagibis sa lansangan at nakakatakot ang epekto nito kung tayo ang masasagasaan ng isang walang disiplinang driver.

Maging maingat ay responsible sa lansangan. Huwag po natin kalimutan ang kasabihan “the life we save may be our own.”

Para sa komento at suhestiyon ay sumulat lamang sa [email protected] o kaya ay sa [email protected].

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending