Alex de Rossi biglang nagpakalbo, may matinding hugot sa personal na buhay? | Bandera

Alex de Rossi biglang nagpakalbo, may matinding hugot sa personal na buhay?

|November 14,2018
facebook
share this

Alex de Rossi biglang nagpakalbo, may matinding hugot sa personal na buhay?

- November 14, 2018 - 12:10 AM


INAMIN ng mga miyembro ng tropang Bubble Gang na hindi maiiwasan kung minsan na magkaroon sila ng tampuhan at hindi pagkakaintindihan.

In fairness, 23 years na ngayon ang gag show ng GMA 7 at patuloy pa ring humahataw sa ratings game. Kamakailan, ginanap ang presscon para sa kanilang anniversary celebration at talaga namang ramdam na ramdam ng entertainment media kung gaano sila ka-close sa isa’t isa.

Present sa riot na Bubble Gang mediacon sina Michael V, Antonio Aquitania, Paolo Contis, Boy 2 Quizon, Betong Sumaya, Sef Cadayona, James Macasero, Rodfill, Archie Alemania at Diego Llorico.

Nandoon din ang mga Kapuso heartthrobs na sina Jak Roberto, Juancho Trivino at Mikoy Morales, kasama rin ang mga BG girls na sina Kim Domingo, Chariz Solomon, Myka, Jackie Rice, Lovely Abella, Valeen Montenegro, Denise Barbacena at Mhyka.

Isa sa mga natanong during the presscon ay kung paano nila hina-handle kapag may internal conflict sa Bubble Gang, si Paolo ang sumagot.

“Totoo po ‘yan na may laging hidwaan sa isang pamilya, pero katulad din po sa isang pamilya we keep it inside the family. Kung mayroon man gulo, inaayos namin ‘yan within the family. Kapag may konting hidwaan inaayos namin within the family. At so far it’s working well.

“Pero nothing na hindi naaayos, nothing that big. Minsan may nagkakapikunan siyempre, minsan iiyak ‘yung iba, si Denise mapipikon. ‘Yung mga konting tampuhan madaling ayusin, walang five minutes ayos ‘yan. Basta ang importante alam naman nila na ang puso namin nagmamahalaan kami lahat,” paliwana pa ni Paolo.

Mapapanood na ang Bubble Gang’s epic telemovie presentation para sa kanilang 23rd anniversary ngayong Nov. 23 after Pamilya Roces sa GMA Telebabad.

q q q

Nagulat naman ang mga supporters ni Alessandra de Rossi nang bigla siyang magpakalbo. Si Alex ang leading lady ni Paolo Contis sa pelikulang “Through Night And Day.”

Tanong ng madlang pipol, may pinagdaraanan ba ang dalaga kaya nagpaputol siya ng buhok at semikalbo pa.

Hindi naman sinagot ni Alex ang tanong ng mga entertainment reporter kung ano ang kuwento sa likod ng kanyang pagpapakalbo. Pero ayon sa isang source, may konek ito sa movie nila ni Pao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nag-react naman ang ilang kaibigang celebrity ni Alessandra sa pagpapa-shave niya ng ulo. Ang tapang daw ng ginawang desisyon ng dalaga pero lutang na lutang pa rin ang kanyang ganda.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending