Kilalang female celeb bata pa lang bugbog na sa trabaho, naging kabit pa ng politiko | Bandera

Kilalang female celeb bata pa lang bugbog na sa trabaho, naging kabit pa ng politiko

Cristy Fermin |November 14,2018
facebook
share this

Kilalang female celeb bata pa lang bugbog na sa trabaho, naging kabit pa ng politiko

Cristy Fermin - November 14, 2018 - 12:15 AM


MAAGANG isinalang sa trabaho ng kanyang ina ang isang magandang female personality. Kasagsagan nu’n ng isang pangkabataang programa, nagpa-audition ang produksiyon, dinala ng kanyang ina ang napakabata pang babaeng personalidad sa studio.

Agarang nakuha ang bagets, napakaganda naman kasi niya talaga, pero kung siya ang tatanungin ay ayaw niyang mag-artista. Gusto niya munang mag-aral, ine-enjoy pa niya ang pagiging bagets, pero mas nanalo ang gusto ng kanyang nanay.

Nagkaroon agad siya ng pelikula, bumida siya agad kasama ang iba pang mga artistang bagets, kinagat ng publiko ang formula ng pelikula.

Kuwento ng aming source, “Mula nu’n, nagkasunud-sunod na ang mga projects niya, grabe na ang work load niya, kinakapos na siya ng tulog at pahinga.

“May mga panahong nagiging iritable na siya sa pagtatrabaho, magpa-pack-up siya nang alas tres nang madaling-araw, work na naman siya nang katanghalian.

“Pero wala siyang magawa, talagang parang kalabaw na siyang isinuga sa bukid ng kanyang nanay,” simulang chika ng aming source.

‘Yun ang dahilan kung bakit mahilig makipagkaibigan sa mga lalaking bagets ang aktres. Hindi kasi niya na-enjoy ang kanyang kabataan. At ang pinakamatinding dahilan—may nakarelasyon siyang halos tatay na lang niya ang edad.

“Napakaaga niyang sumalang sa pakikipagrelasyon. May naging boyfriend siyang young actor, meron ding singer-host, meron pang morenong aktor na sikat na sikat nu’n!

“Pero ang ending, naging escabeche lang siya ng isang may edad nang politician na matindi ang powers nu’ng mga panahong ‘yun. Sunod ang layaw niya, biyahe sila nang biyahe ng family niya, kasi nga, madatung ang papa niya!

“Matindi ang pinagdaanan ng aktres na ‘yun, pinagdamutan siya ng buhay ng bagets, trabaho agad ang inatupag niya at pakikipagrelasyon sa isang pulitikong madatung na ibinigay ang lahat-lahat sa kanya.

“Active pa rin siya sa pag-arte ngayon. Lumapad na ang katawan niya, pero maganda pa rin siya. Walang retoke ang beauty niya, in fairness,” pagtatapos ng aming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilalang-kilala n’yo kung sino siya. Nananadya talaga ang kapalaran kung minsan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending