Horoscope, November 14, 2018 | Bandera

Horoscope, November 14, 2018

Madam Sophia |November 14,2018
facebook
share this

Horoscope, November 14, 2018

Madam Sophia - November 14, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: I-celebrate ang birthday ng hindi masyadong magastos. Sa halip, itabi ang salaping ipanghahanda at ilaan sa nalalapit na kapaskuhan o kaya’y itulong na lang sa mga mahihirap at sa higit na nangangailangan. Habang tumutulong sa iyong kapwa ng bukal sa loob makikita mo mas marami pang biyaya ang darating. Mapalad ang 4, 7, 18, 28, 33 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisnah.” Lilac at silver ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Sikaping kontrolin ang init ng ulo upang wag kang mapahamak. Sa pag-ibig, imbis na bulyawan at pagalitan ang kasuyo, pagpasensyahan na lamang ang kakitiran ng kanyang isip kaysa mag-away na naman kayo. Mapalad ng 1, 4, 16, 24, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nakiel-Om-Kedemel.” Yellow at beige ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Nakahanda ang suwerteng may kaugnayan sa pinansyal. Sa araw na ito at sa susunod na mga araw malaking salapi ang matatanggap. Sa pag-ibig, hindi dapat na maging emosyonal, gamitin ang rason upang lumigaya. Mapalad ang 5, 18, 23, 33, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Adonai-Elohim.” Pink at lilac ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Kung hindi kikibo, paano maitatama ang maling sistema? Sa pag-ibig, kung hindi mo sasabihin sa iyong kasuyo ang iyong “kiliti” paano ka nya mapaliligaya ng lubos? Mas mainam na ang nagsasabi kaysa sa walang kibo. Mapalad ang 2, 16, 27, 38, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Jhana-Om-Nama.” Green at red ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Sa araw na ito gagantimplaan ka ng langit, habang tumutulong ka sa iyong kapwa sa pinansiyal kusang madadagdagan ang kinikita. Sa pag-ibig, lalong iinit ang pakikipagniig sa isang Scorpio na matagal mo ng hindi nakikita. Mapalad ang 8, 14, 22, 26, 35 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Name-Aum.” Gold at orange ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Maglaan ng sapat na salapi para sa kinabukasan ng mga mahal mo sa buhay. Sa pag-ibig, umiwas sa lipunan, ituon ang buo at walang maliw na pagmamahal sa iyong pamilya. Mapalad ang 7, 12, 22, 36 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Taph-Harth-Om.” Green at yellow ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Mabilis na pagpapasya ang kailangan. May mga gintong oportunidad na darating – sunggaban mo agad. Sa pag-ibig, wag ng pakawalan ang kasuyong isinilang sa buwan ng Oktubre – ka-tugma mo siya! Mapalad ang 5, 18, 25, 37, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yamuna-Om.” Blue at maroon ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — May magandang kapalarang darating kung ang araw na ito ay sasalubungin ng may ngiti at galak sa iyong puso. Batiiin ng buong galak ang mga nakatataas sa iyo upang dagdagan ka nila ng suweldo at maiisip din nilang lakihan ang iyong bonus. Mapalad ang 5, 13, 23, 32, 35 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Deva-Om.” Gray at red ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Ipaliwanag sa kanya ng maayos ang iyong sitwasyon ng hindi na lumala pa ang problema. Sa pag-ibig, mas magiging mapayapa ang isipan kung laging kasundo ang kasuyong Aries. Mapalad ang 3, 15, 24, 35, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Padma-Om-Pad-Mane.” Lilac at maroon ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa pinansyal at pag-ibig, sariling intuition ang paganahin upang kumita ng malaking halaga at upang habang buhay kang lumigaya. Sa pakikipag-relasyon mag mahal ka lang ng mag-mahal hanggang matuhog mo ang iyong soul mate. Mapalad ang 5, 19, 22, 31, 37 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum- Agiel, Om-Zazel.” Magenta at purple ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Walang ibang maasahan ang inyong pamilya kundi ikaw. Kaya obligado kang magsipag! Sa pag-ibig, iwasang awayin ang kasuyo, upang wag mapurnada ang mainit na romansa. Mapalad ang 3, 15, 27, 37, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Pink at maroon ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Magkahalong suwerte at malas ang darating. Sa pag-ibig, sisisihin ka na naman ng kasuyo sa kasalanang hindi mo naman ginawa – wag sabayan ang kanyang galit! Mapalad ang 3, 9, 29, 33, 37, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhipana-Aum-Bodhana.” Lilac at gold ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) — Pera na naman ang magiging problema! Itigil na kasi ang negosyong hindi naman kumikita. Sa pag-ibig, sundin ang suwestyon ng kasuyo, upang maiwasan ang palagiang pangungutang, negosyo may kaugnayan naman sa pagkain ang dapat. Mapalad ang 2, 11, 19, 32, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Budhananda.” White at magenta ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending