Maymay inimbita sa Arab Fashion Week sa Dubai

November 14,2018
share this

Maymay inimbita sa Arab Fashion Week sa Dubai

November 14,2018
share this

MAYMAY ENTRATA

MUKHANG magtutuluy-tuloy na ang modelling career n Kapamilya young actress na si Maymay Entrata.

Isang good news ang natanggap ng dalaga kamakailan – inimbita lang naman siya para sa isang casting call for Arab Fashion Week sa Dubai ngayong November.

Ang invitation para kay Pinoy Big Brother Lucky Season 7 big winner ay mula sa AMATO couture which was founded by Filipino designer Furne One.

Kung tatanggapin ni Maymay ang offer, siya ang kauna-unahang Filipina na rarampa sa runway para sa Arab Fashion Week.

Sa huling panayam namin kay Maymay sa presscon ng bago niyang endorsement, ang Megan Megan Peel-Off Mask, sinabi ng dalaga na willing siyang sumailalim sa training para sa kanyang pangarap na maging certified model.

In fairness, may karapatan naman talagang maging model si Maymay dahil sa kanyang aura bukod pa sa galing niyang mag-project sa camera and on stage.

Kahit ang mga kilalang modelo at celebrities ay naniniwala sa powers ni Maymay na maging isang sikat na model. At kung makakapasa nga ang dalaga sa casting call siguradong ito na ang magiging hudyat ng kanyang international modelling career.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending