Algorithm app para sa minimum wage rate | Bandera

Algorithm app para sa minimum wage rate

Alan Tanjusay - November 13, 2018 - 12:10 AM

PRESENT ako sa tatlong consultations ng Metro Manila wage board tungkol sa P334 wage increase petition para sa 4 million minimum wage workers sa Metro Manila.

Sa dami ng datos tungkol sa kahirapan ng mga rank and file and minimum wage earners, kabilang na ang mga numero na ipinakita ng mga negosyante sa hearing, mauuwi lang pala sa paramihan ng boto.

Oh, my goodness! For 29 years na pala na majority vote lang pala ang magde-decide at magdetermine ng kapalaran ng mga manggagawa.
Hindi na kailangan ang ebidensiya o mga datos para magdesisyon kundi paramihan ng boto at palakasan ng boses.

Hindi ito tama at hindi patas kung majority vote ang magsasabi kung magkano ang sahod. Marahil napapanahon na dapat algorithm app na ang magse-set ng minimum wage.

Ang maaring gawin ng app na ito ay iko compute ang nawalang buying power ng sahod at sukatin ang darating na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. At the same time, dapat i-compute din ang profit ng mga negosyo at sukatin ang kaya nilang ibigay.

Pag nagawa yun, maaring maglabas ng recommendation ang app upang matulungan na maging objective ang decision ng wage board tuwing sila ay mag-adjust ng wage.

Baguhin na ang minimum wage setting!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending