Iza Calzado may hiling sa amang matagal nang patay | Bandera

Iza Calzado may hiling sa amang matagal nang patay

Alex Brosas |November 13,2018
facebook
share this

Iza Calzado may hiling sa amang matagal nang patay

Alex Brosas - November 13, 2018 - 12:05 AM

IZA CALZADO

SOBRANG na-miss ni Iza Calzado ang ama niyang si Lito Calzado kaya she posted a photo which captured him and her dad.

“Has it really been 7 years since I felt your warm embrace, heard your infectious laugh, watched your stellar dance moves? It hurts so much to know that you’re not beside me especially because I am finally getting married, something you always wished for and wanted to witness.

“I miss you so much and all I want is to have you hug me like this again. Please do it in my dreams. Pero, ‘Tay, dreams lang ha, wag mo muna ako ipakuha kay God please baka masyado mo kasi damdamin na miss kita. Happy 7th in heaven, Dad. Love you!”

Ang daming nag-respond sa caption na iyon ng Ngayon At Kailanman star at karamihan sa kanila ay nagsabing nakaka-relate sila sa napi-feel ni Iza.

Samantala, sa Ngayon At Kailanman ay nagsimula na si Rebecca (Iza) laban kay Stella (Alice Dixson) sa pamamagitan ni Oliver (Jameson Blake).

q q q

Nagmarka si Kiray Celis sa “Class Of 2018.”

Unang eksena pa lang nito, bitchy-bitchy-han na siya kaya naman sa simula pa lang ng movie ay pinanggigilan na siya ng moviegoers.

Ang galing mang-asar ni Kiray, very effective ang kanyang pagiging kontrabida sa movie.

Ang nakakaloka pa, ang husay din niya sa timing. May mga eksena siyang talagang mapapatawa ka.

Nang-aagaw talaga siya ng atensyon sa movie kaya hindi mo siya makakalimutan.

Sa bandang ending nga ng pelikula ay abang na abang ang mga tao sa mangyayari sa character ni Kiray.

Gustung-gusto nila itong mamatay na. Talagang nagsisigawan sila kapag umeeksena na si Kiray at nagtataray.

Sobra kasing arte ng kanyang character, ‘yung tipong nagmamaganda palagi kahit hindi naman kagandahan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Showing pa rin ang “Class Of 2018” sa mga sinehan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending