Keanna Reeves arestado sa cyber libel case; P200K piyansa | Bandera

Keanna Reeves arestado sa cyber libel case; P200K piyansa

Ervin Santiago - November 12, 2018 - 05:30 PM

KEANNA REEVES

INARESTO ang dating sexy star na si Keanna Reeves dahil sa kasong cyber libel.

Ayon sa ulat, hinuli ang aktres ng mga pulis sa kanyang tahanan sa Timog Avenue corner Scout Ybardolaza, Quezon City sa bisa ng warrant mula kay Judge Maria Florencia Formes-Baculo ng Laguna Regional Trial Court Branch 34.

Ang kasong cyber libel ay isinampa ng negosyanteng si Nancy Dimaranan laban kay Keanna dahil sa pagmumura at pagbabanta umano nito sa kanya.

Dinala si Keanna sa Criminal Investigation And Detection Group Regional Office sa Laguna “for booking procedure.” Nagrekomenda naman si Judge Baculon ng P200,000 bail para sa pansamantalang kalayaan ng aktres.

Sa isang panayam, sinabi ng sexy star na wala siyang natanggap na resolusyon mula sa korte kaya ikinagulat niya ang pagdating ng mga arresting officers.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending