GILAS 5 dadayo sa NEW ZEALAND | Bandera

GILAS 5 dadayo sa NEW ZEALAND

Mike Lee - July 09, 2013 - 01:00 AM

AALIS ngayon patungong New Zealand ang Gilas Pilipinas men’s basketball team para sa 10-day training program para sa kampanya nito sa 27th FIBA Asia Championship na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City sa darating na Agosto.

Sakay ang pambansang koponan ng Cathay Pacific flight papuntang Napier, New Zealand at bibiyahe sila ng 20 oras.
Sa Napier sisimulan ang ikalawa at huling training camp ng Gilas.

Bago ang New Zealand ay nagtungo sa Lithuania ang Gilas Pilipinas na nagnanais na masungkit ang isa sa tatlong 2014 FIBA World Cup slots na nakalaan sa FIBA Asia.

Ang FIBA World Cup ay gaganapin sa Madrid, Spain sa 2014. Tampok sa biyaheng ito ang limang araw na clinic sa ilalim ng kilalang coach na si Tab Baldwin at anim na tune-up matches sa siyudad ng Napier, Wellington at Auckland.

“We all know that New Zealand basketball is good kaya ito ang pinili natin. Importante pa rito ay ang mga teams na doon are in season, kaya they’re in shape,” pahayag ni Gilas head coach Chot Reyes.

Sa ikalawang araw sa New Zealand ay ihahayag naman ni Reyes ang 12 manlalaro na opisyal na bubuo sa pambansang koponan sa FIBA Asia.

May 24 manlalaro si Reyes sa kanyang training pool pero 13 lamang ang kasama sa New Zealand trip. Ito ay sina Marcus Douthit, Junmar Fajardo, Japeth Aguilar, Beau Belga, Marc Pingris, Ranidel de Ocampo, Gabe Norwood, Jeff Chan, Gary David, Larry Fonacier, Jayson Castro, LA Tenorio at Jimmy Alapag.

Sila rin ang mga manlalarong tumungo ng Lithuania. Hindi naman malayong sa mga manlalarong ito magmumula ang 12 players na sasali sa FIBA Asia dahil alam na nila ang sistemang gagamitin ni Reyes bukod sa pagkakaroon na ng ‘camaraderie’ ang mga nasabing manlalaro.

“Kailangan magka-kaamuyan na ng husto ang mga players pagbalik sa Manila,” sabi Reyes. Ang 27th FIBA Asia Championship ay gaga-napin mula Agosto 1 hanggang 11.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending