Dingdong, Marian alam na ang gender ng 2nd baby | Bandera

Dingdong, Marian alam na ang gender ng 2nd baby

Jun Nardo |November 11,2018
facebook
share this

Dingdong, Marian alam na ang gender ng 2nd baby

Jun Nardo - November 11, 2018 - 12:05 AM

ZIA, MARIAN RIVERA AT DINGDONG DANTES

ILALABAS ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang gender ng second baby nila bago matapos ang Nobyembre.

Of course, bilang mga magulang, alam na nila ang kasarian ng magiging kapatid ng panganay nilang si Zia.

Right timing ang hinihintay nina Dong at Yan para isapubliko ang gender ng anak. Pero kahit hindi pa lumalabas ang baby eh, itinatanim na nila sa isip ni Zia na magiging ate na siya.

Bago ang gender reveal, susuporta muna si Marian sa project ng asawa na The Color Run PH na magaganap sa Nov. 18. Pati ang bagong Kapuso series ni Dong na Cain At Abel ay ipino-promote na rin niya.

Komo buntis, time out muna si Marian sa paggawa ng soap opera kaya pawang endorsements muna ang tinanggap niya.

Just recently, nag-renew siya ng kontrata sa NailandiaSpa sa ikaapat na taon niya bilang brand ambassadress.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending