Coco haring-hari pa rin; TV Patrol, NaK, The Kids’ Choice, MMK, pasok sa Top 10 | Bandera

Coco haring-hari pa rin; TV Patrol, NaK, The Kids’ Choice, MMK, pasok sa Top 10

- November 11, 2018 - 12:05 AM

COCO MARTIN

MAS maraming Pilipino pa rin ang tumutok sa mga aral at makabuluhang balitang hatid ng ABS-CBN noong Oktubre matapos nitong magtala ng average audience share na 44%, ayon sa datos ng Kantar Media.

Ang ABS-CBN ang inantabayanang network sa parehong urban at rural homes, partikular na sa Metro Manila, matapos itong magrehistro ng average audience share na 42%. Nanaig din ang Kapamilya network sa Mega Manila sa pagkamit nito ng 36%.

Panalo rin ang ABS-CBN sa Total Luzon sa pagtala nito ng 39%; sa Total Visayas kung saan nakakuha ito ng 53%; at sa Total Mindanao sa pagrehistro nito ng 53%.

Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga manonood ng telebisyon sa buong bansa sa paggamit nito ng nationwide panel size na 2,610 na urban at rural homes.

Siyam sa 10 pinakapinanood na programa sa bansa ay mula sa ABS-CBN na pinangunahan ng FPJ’s Ang Probinsyano (43.6%) ni Coco Martin at sinundan naman ng TV Patrol (32.2%).

Kasama rin sa top 10 ang Ngayon At Kailanman (29.4%) nina Joshua Garcia at Julia Barretto, The Kids’ Choice (25.6%), Wansapantaym (23.5%), Home Sweetie Home (22.6%), Meteor Garden (22.5%), Halik (22.1%), at MMK 25 (21.8%) ni Charo Santos.

Bukod naman sa pamamayagpag nito sa telebisyon, sinusubaybayan din online ang mga kaganapan sa teleseryeng Halik na humakot na ng sa 3.6 milyong weekly views sa iWant TV.

Samantala, tinutukan din ang ABS-CBN sa lahat ng time blocks, partikular na sa primetime block sa pagtala nito ng (6 p.m. to 12 midnight) 48%. Ang primetime block ang pinakaimportante parte ng araw kung kailan karamihan sa mga Pilpino ay nanonood ng TV at inilalagay ng advertisers ang malaking parte ng kanilang investment upang makaabot sa mas maraming consumers.

Mas pinanood din ang ABS sa morning block (6 a.m. to 12 noon) sa pagtala nito ng 36%; sa noontime block (12 noon to 3 p.m.) sa pagkamit nito ng 43%; at sa afternoon block (3 p.m. to 6 p.m.) na may 44%.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending