Duterte, Cesar, Sunshine 'biktima' ng mga henyong netizen sa socmed | Bandera

Duterte, Cesar, Sunshine ‘biktima’ ng mga henyong netizen sa socmed

Ronnie Carrasco III - November 10, 2018 - 12:01 AM


NO MATCH talaga ang ibang lahi when it comes to the Filipino ingenuity.

Unspeakable proof of this ay iba’t ibang meme na naglipana sa social media of late. Viral nga silang matatawag sa rami ng likes at shares, aside from the long thread of comments below.

Dalawa sa mga viral posts na ito kamakailan ay tungkol sa pulitika at showbiz.

Sa mundo ng politics, nariyan ang parody kaugnay ng paggunita kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng All Saints’ Day. Sa isang briefing sa Isabela, muli niyang binanatan ang Simbahang Katolika sa pagsamba ng aniya’y mga lasenggong santo na hindi naman natin kilala.

Kasabay nito’y ang pabirong banat niya na litrato na lang daw niya ang ilagay sa altar.

Nag-viral agad ang photo ng Presidente naming him “Santo Rodrigo” na animo’y Sto. Niño. But it wasn’t flattering dahil siya raw ang patron ng mga drug lord at mga kurap na opisyal sa gobyerno.

Hindi nagpakabog ang showbiz sa latest issue naman involving Cesar Montano. Inaalam kasi ang pagkakakilanlan ng nakahubad na mestisahing babae sa background habang binabati ni Cesar ng happy birthday ang isang kaibigang kagawad mula sa Sta. Ana where he traces his roots.

Nagkaroon ng bersiyon ang ilang selfie-doing netizens na meron ding binabati ng maligayang kaarawan kung saan nasa background ang mga taong nakasaplot lang ng tuwalya ang katawan, pero kita naman ang puwet.

Kontrobersiyal lately si Cesar dahil may larawang lumabas sa socmed taken at a birthday party ng tinatayang anak niya sa ibang babae.

Earlier ay napag-usapan din ang kumalat na rebelasyon ni Sunshine Cruz noong nagsasama pa sila ni Cesar hanggang inihingi nga ng aktres na mapawalang-bisa ang kanilang kasal sa korte.

Para amanos lang ang former couple, umandar na naman ang imahinasyon ng mga meme makers.

Viral din ang version ni Sunshine, kung saan makikitang nasa loob siya ng kanyang van habang nasa background ang nadaanang hubad na lalakeng tambay sa kalye. Sapu-sapo lang ng tambay ang kanyang ari habang nakatingin sa aktres.

Obviously, photoshopped lang ‘yon but the aliw factor it brings is a testimonial kung gaano katindi ang Pinoy (lalo na sa mga kuwelang kalokohan).

And speaking of Pinoy ingenuity, kabilang na rin dito ang mga pagpapalaganap ng fake news with fake news stories para lang ikundisyon ang utak ng mga mamamayan sa mga gawain ng ating pamahalaan.

Mabuti na lang at may agaran ding pagkokorek sa mga pekeng balitang ito, na sinusuportahan ng mga opisyal na datos.

Isa rito ay ang kinukuwestiyon na pondong nailaan noon para sa mga Yolanda victims. Ang totoo pala’y malaking bahagi nito ay nai-divert sa Marawi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi lahat ng ating nababasa o natitisod in all forms of communication ay dapat paniwalaan. Judgment call na natin ‘yon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending