JM: Kakabahan ka sa simula, pero sa huli ang sarap na! | Bandera

JM: Kakabahan ka sa simula, pero sa huli ang sarap na!

Ervin Santiago - November 09, 2018 - 12:50 AM

JM DE GUZMAN

INAMIN ni JM de Guzman na araw-araw pa rin siyang nakikipaglaban sa kanyang mga insecurities dahil na rin sa mga pagsubok na pinagdaanan niya nitong mga nakaraang taon.

Sa nakaraang presscon ng latest movie niyang “Kung Paano Siya Nawala opposite Rhian Ramos, sinabi ni JM na pinipilit niyang maging positibo sa lahat ng aspeto ng kanyang buhay.

“Marami akong insecurities. Actually before may nagsabi sa akin na isang kuya na maraming bago, maraming mas bata, maraming mas magaling sa ‘yo, mas maraming disiplinado. And at first hindi ko pa yun matanggap dati, medyo arogante pa ako nu’n.

“‘Hindi, hindi mas magaling ako sa kanila. Mas mabait ako sa kanila, mas professional ako sa kanila.’ Pero it’s something that I have to accept. Hindi na rin ako bumabata. Pa-improve na nang pa-improve yung industriya natin and ang dami ko ng nakikita na magaling, so I just have to enjoy everything and appreciate everything and do my best,” pahayag ng Kapamilya actor.

“Iniisip ko na lang na hindi siya (insecurities) makakatulong sa akin. Lahat naman ng tao meron nu’n pero just enough confidence na itaas ko yung ulo ko and enough humility to keep my feet grounded.

“Masaya ako ngayon sa nahanap kong confidence sa sarili ko. It’s raw. Hindi siya nanggagaling sa substance or katulad dati pag may ganitong ganap or event, I need something to hype me up or ma-boost yung confidence ko.

“Now it’s raw and ngayon ko lang na-experience yung ganitong feeling na kakabahan ka sa simula tapos sa huli natutuwa ka na. Tapos parang sa huli ang sarap na,” pahayag pa ng binata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending