Kilalang female singer nilayasan ang pamilya, sumama sa pekeng milyonaryo

By Cristy Fermin November 09,2018
share this

Kilalang female singer nilayasan ang pamilya, sumama sa pekeng milyonaryo

By Cristy Fermin November 09,2018
share this

TULUYAN na palang tinalikuran ng isang kilalang female singer ang kanyang pamilya. Ipinagpalit niya ang napaka-supportive niyang mga magulang sa isang lalaking kailan lang niya nakilala.

Matinding sakripisyo ang pinagdaanan ng mga magulang ng female singer para lang niya maabot ang kanyang pangarap na makilala, humingi pa nga ng tulong sa ating mga kababayan ang mga magulang ng female singer, pero nang mapitas na niya ‘yun ay unang-una niyang tinalikuran ang kanyang pamilyang nagpakahirap para sa kanya.

Chika ng aming source, “Maldita ang babaeng ‘yun, pero inilapit siya sa public ng mga magulang niya. Hindi naman siya kagandahan, boses lang naman ang maipagmamalaki niya, pero ang kaangasan niya, e, talagang nasa hangin!

“Imagine, pagkatapos magsakripisyo ng parents niya sa mga pinagdaanan niyang laban, e, sila pa pala ang unang-unang lalayasan ng babaeng ‘yun?” simulang chika ng aming impormante.

Sa isang gig niya ay nakilala ng female singer ang isang nagpanggap na milyonaryong negosyante.

Niligawan nito ang singer, tatlong araw pa lang ay naging sila na, kaya hindi na madalas umuuwi sa kanilang bahay ang female singer.

Patuloy ng aming impormante, “After one month, kinuha na ng female singer ang mga kagamitan niya sa kanilang bahay. Ang paalam niya, e, may uupahan kuno siyang condo unit para malapit lang siya sa mga shows na tinatanggap niya.

“Ayaw siyang payagan siyempre ng family niya, pero hindi nakinig ang girl. Talagang umalis pa rin siya sa bahay nila at nakisama na sa kanyang boyfriend na ang porma nga, e, milyonaryo kuno siya.

“Galit na galit sa taong ‘yun ang family niya, sinubukan pa siyang sunduin sa tinitirhan nila, pero hindi pa rin siya sumama.

“May mga nagsasabing uuwi rin sa kanila ang girl kapag natuklasan niya na hindi naman pala milyonaryo ang sinamahan niya. Siya pa nga ang bumubuhay ngayon sa lalaki na wala naman palang trabaho!

“Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, ibinoto n’yo rin ba siya nu’ng sumali ang girl na ito sa isang napakalaking contest sa kantahan? Nakakapanghinayang siya, mukha na siyang ewan ngayon sa katatrabaho habang ang boyfriend niya naman, e, padighay-dighay na lang sa kabusugan,” pagtatapos na chika ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending