AABOT sa 650 militar ang ipapalit sa mga opisyal at empleyado ng Bureau of Customs (BOC), ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez.
Ito ang iniulat ni Dominguez kay Pangulong Duterte matapos na pangunahan ang pagpupulong sa Malacanang kaugnay ng umano’y militarisasyon ng BOC.
“Yes, that is the plan, to do it system-wide and actually we were doing the rough numbers the last day of working day last week and we came up with the number of 650 people will have to be replaced ho,” ani Dominguez.
Samantala, inerekomenda naman ni dating Customs commissioner Isidro Lapena kay Duterte na madaliin ang automation sa BOC.
“Mr. President, sir, may I recommend this strongly sir that we expedite the automation. If my schedule was to rule out the automation by January and once we have that we can effectively address itong corruption na nangyayari, sir. That’s the solution actually sir dito sa corruption that’s ongoing because mawawala ‘yung human contact. And the revenue collection will also increase because we will now be collecting the rightful duties and taxes with automation, sir,” ani Lapena.
Tiniyak naman ni Duterte na seryoso siya na wakasan ang korupsyon sa BOC.
“I am hell-bent really in stopping corruption. I’ve tried that ha. Many presidents have failed. Ayaw ko naman na… I would not name any particular one. Pero gusto ko na maski ‘yan na lang ang maiwan ko sa bayan ko, I can — maybe the —eradicate corruption,” giit ni Duterte.
Nauna nang ipinag-utos ni Duterte ang pagsibak sa lahat ng opisyal at empleyado ng BOC at palitan ng mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Inilipat si Lapena bilang Director General ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) matapos namang makalusot ang P6.8 bilyong halaga ng shabu na nakalagay sa apat na magnetic lifters.
Ipinagtanggol naman ni Duterte si Lapena sa pagsasabing nalusutan lamang siya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.