Jolo nag-emote sa New York, pinayuhang balikan si Jodi

By Alex Brosas November 07,2018
share this

Jolo nag-emote sa New York, pinayuhang balikan si Jodi

By Alex Brosas November 07,2018
share this

JOLO REVILLA AT JODI STA. MARIA

Tila nami-miss na ni Jolo Revilla ang may karelasyon.

Sa kanyang recent Instagram post ng photo niya na kuha sa New York City ay kitang-kita na naiinggit siya sa couple na kanyang nakita sa isang park.

“Spending some quiet time in this park in NYC while watching some lovers pass by. With the romantic ambiance, ang sarap sana magstroll ng may kahawak kamay,” caption ni Jolo sa kanyang post.

Nag-react naman ang ilang followers niya.

“Hanap ka na dyan Vice Gov. Baka nandyan ang soulmate mo,” said one fan.

“Oo nga noh! Di rin natin masasabi kung nandyan nga pero shempre try mo rin mamaya natraffic lng,” say ng isa pang fan.

Comment naman ng isang follower ni Jolo, “Balik ka na lang kay Jodi Sta. Maria, kayo talaga ang soulmates. Feeling ko sya talaga ang forever mo!”

“Awed to finally see the pristine Statue of Liberty. Higit na maganda upclose and personal,” caption naman ni Jolo sa isang photo niya.

Nasa US ngayon si Jolo for his Executive Education Program at Harvard Kennedy School. Gusto ni Jolo na matuto pa para magamit niya ito bilang isang young politician.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending