Bakit 2 beses nagpalit ng screen name si Rita Daniela?
SA labintatlong taon niya sa showbiz, makailang ulit na rin siyang nagpalit ng screen name.
Mula sa pangalang Rita Iringan, naging Rita de Guzman at ngayo’y kilala na siya bilang si Rita Daniela.
Ngayong Miyerkules, mas kilalanin pa ang Kapuso singer-actress sa Tunay Na Buhay.
Taong 2005 nang manalo si Rita sa reality singing competition na Popstar Kids. Pagkatapos noon, binuo ang singing group na Sugarpop kung saan nagkasama sila ng Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose na nakalaban din niya sa Popstar Kids.
Sa isang panayam kay Rita, sinabi niyang kailangang palitan ang pangalan niya dahil, “Tapos na po yung Rita Iringan na Popstar Kid, yung sweet. So this time si Rita Daniela, edgy and mature na siya.”
Tinahak din ni Rita ang larangan ng pag-arte. Nakabilang siya sa ilang mga teleserye at kasalukuyang gumaganap sa papel na Aubrey sa family drama series na My Special Tatay na pinagbibidahan ni Ken Chan.
Isa si Rita sa mga palabang kontrabida ng GMA 7 na wala ring takot na magpaka-daring. Kabilang sa mga serye na ginawa niya bilang kontrabida ay ang The Last Prince, Pahiram Ng Isang Ina, Alice Bungisngis and Her Wonder Walis, Paroa: Ang Kuwento Ni Mariposa, Mundo Mo’y Akin at Strawberry Lane.
Samahan si Rhea Santos na alamin ang kuwento ng Tunay Na Buhay ni Rita Daniela ngayong Miyerkules, afetr Saksi sa GMA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.