P25 wage hike (di pa man official), walang saysay!
MAY drama na nagaganap sa likod ng dagdag sahod na isinusulong ng isang labor group.
Mabilis na inunahan ng employers’ group ang pag-anunsiyo nitong nakaraang linggo na P25 wage hike daw ang desisyon ng Metro Manila Wage Board.
Ginawa ng employers’ group ang anunsiyo bago pa man umakyat ang decision sa National Wages and Productivity Commission at Office of the President for review and approval.
Ang galing-galing talaga nitong Employers Confederation of the Philippines (Ecop) ang mababa at hindi katanggap-tanggap na dagdag sahod dahil siguro sa takot na mabago ito at madagdagan sa sandaling isalang na sa NWPC at Office of the President.
Sa petisyon kasi ng labor group Associated Labor Unions, P334 dapat ang idagdag na sahod sa kasalukuyang P512 minimum wage per day sa Metro Manila dahil ang laki nang ibinagsak ng purchasing power nito.
Noong October 2017, ang kakayahan ng P512 para bumili ng pagkain at magbayad ng serbisyo ay nasa P363 a day.
One year later, dahil sa taas ng inflation caused by excise tax on fuel and sugary products combined with increase in prices
of oil, galunggong, sili at bigas, nasa P340 na lang ang purchasing power nito ngayonng October 2018.
Para kasi sa Ecop, as much as possible dapat maliit ang wage increase upang hindi ma- bawasan ang kanilang profits.
Kaagad namang nag-react ang Department of Labor and Employment at mismong ang Malacañang sa pamamagitan ng presidential spokesman at sinabing unofficial pa umano ang P25 wage hike. Ayayy!
Kung kayat maraming manggagawang minimum waged ang umalma at naguguluhan.
Maging yung wage increase petitioner na labor group, ay naguguluhan din.
Ano ba talaga mga ateh at kuyah? Bakit maliit at unofficial pa yung wage hike samantalang kumikita naman ang mga negosyo.
In fact, kabibili lang ng mga boss ng mga bagong service cars nila at kabibigay lang ng bonus ng mga business owners sa kanilang mga managers at department heads.
Pero sa mga rank and file, unofficial pa?
Grabe na talaga! Abangan natin ang susunod na mga ganap.
Para sa komento at reaksyon, maaaring mag-email sa [email protected]
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.