‘Sana'y makadalaw sa burol ang anak ni Rico Puno sa dating singer...’ | Bandera

‘Sana’y makadalaw sa burol ang anak ni Rico Puno sa dating singer…’

Cristy Fermin |November 04,2018
facebook
share this

‘Sana’y makadalaw sa burol ang anak ni Rico Puno sa dating singer…’

Cristy Fermin - November 04, 2018 - 12:30 AM

RICO PUNO

Sa pagpanaw ng Total Entertainer na si Rico J. Puno ay naalala namin ang dating singer na si Christine Love. Naging magkarelasyon sila nang matagal na panahon at nagkaroon sila ng isang anak na babae na magaling ding kumanta.

Madalas lumapit sa amin nu’n si Christine Love para maipaabot namin kay Rico ang kanyang mga hinaing. Sustento para sa kanilang anak ang habol ng singer, mag-isa lang kasi niyang itinataguyod ang kanilang anak ni Koriks, dalagita na ngayon ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan.

At magaling kumanta ang dalagita, meron kasi itong pagmamanahan, biritera si Christine Love at magaling namang performer ang kanyang ama.

May plano silang manirahan na nu’n sa Australia, ang ina ni Christine ang tumutulong sa kanila, ilang taon na rin kaming walang balita tungkol sa mag-ina.

Naiiyak nga si Christine habang ipinapapanood niya sa amin ang ini-record niyang pagkanta ng anak nila ni Rico. Hindi maikakailang anak ng yumaong singer ang dalagita, plakado ang kanilang itsura, konting-konting katangian lang ang nakuha nito kay Christine Love.

Ayon sa singer ay nawalan na sila ng komunikasyon ni Rico, nagpunta pa nga siya nu’n sa munisipyo ng Makati para sadyain si Rico sa opisina nito, pero mukhang hindi sila nagkita ng singer-konsehal.

Harinawang makadalaw ang mag-ina sa burol ni Rico J. Puno. Kahit sa pinakahuling sandali man lang sana ay makita ng dalagita ang kanyang ama.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending