Kris posibleng tumakbo sa eleksyon 2022 kung magkakaroon ng ’himala’ | Bandera

Kris posibleng tumakbo sa eleksyon 2022 kung magkakaroon ng ’himala’

Bandera - November 04, 2018 - 12:05 AM

KRIS AQUINO

 

MATATAHIMIK na siguro ang mga politikong natatakot sakaling sumabak na si Kris Aquino sa mundo ng politika, lalo na ang mga kalaban ng kanyang kuya Noynoy.

Sa video na ipinost sa official Facebook page ni Kris, sinabi ng Social Media Queen na wala siya talagang balak tumakbo sa kahit anong posisyon sa gobyerno.

“Definitely not in 2019, I don’t think in 2022 kasi I have health restrictions. Unless, there is some miracle that will happen,” pahayag ni Tetay.

Aniya pa, unfair sa madlang pipol kung mananalo siya sa eleksyon, alam naman daw ng buong mundo ang tungkol sa kanyang health condition.

“Kasi you have to be one of the people. And how can I be one of the people if I’m not healthy? How can I serve them if I’m not sure about my health?” paliwanag ni Kris. Aniya, ipagpapatuloy na lang niya ang kanyang trabaho bilang social media influencer and at the same time, creating public awareness on health.

Kung matatandaan, inamin ni Kris na meron siyang autoimmune disease na tinatawag na Chronic Spontaneous Urticaria kaya sandamakmak na gamot ang iniinom niya ngayon.

At bilang isa sa mga top taxpayer sa bansa, nais din niyang manawagan sa lahat na maging responsable sa pagbabayad ng tax lalo na ang mga malalaking kumpanya at personalidad para mas malaki ang maibigay ng gobyerno sa health care.

“Pwede kong sabihin na sana naman, mas mag-ambag tayo towards health care,” ani Kris.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending