B-day wish ni Maine kay Coco: Sana ipagkaloob ni Lord ang hiling mo!
NATIKMAN ni Maine Mendoza ang pagiging malambing at gentleman ni Coco Martin habang ginagawa nila ang 2018 MMFF movie nilang “Jak Em Popoy.”
Naging pundasyon ito ng kanilang pagkakaibigan kaya naman nu’ng kaarawan ng aktor last Nov. 1, isang video birthday greeting ang handog ng Phenomenal Star kay Coco.
“Hello Sir Jak! Charot! Coco, happy, happy birthday sa ‘yo. Sana mag-enjoy ka ngayong araw. Baka naman…
“Baka naman puwedeng may piging. Birthday mo naman ngayon.
“Anyway happy birthday sa ‘yo. Kung anuman ang wish mo this year sa birthday mo, sana ipagkaloob ‘yon ni Lord. Ano pa ba ang mahihiling mo?
“Sana mag-enjoy ka today. Libre ka naman. Ano ka ba? See you soon and God bless!” mensahe ni Meng kay Coco.
Mukhang close na close na nga ang dalawa base na rin sa mga hirit ni Meng. Nauna nang sinabi ni Coco na bilib na bilib siya sa Dubsmash Queen dahil kahit ilang taon pa lang siya sa industriya ay marami na itong napatunayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.