‘Hindi naman siya nahihiya dahil naniniwala siyang walang mali…’
“SIYA ang isa sa mga pinakamalalapit kong nakakasama lately at isa siya sa mga nakakapagpasaya sa akin.”
Ito ang pag-amin ni Vice Ganda tungkol sa napapabalitang relasyon nila ng PBA player na si Calvin Abueva. Kalat na kalat na ang chika na si Abueva raw ang bagong boyfriend ng TV host-comedian.
Ito’y base na rin sa mga kumakalat na balita na madalas magkasama ngayon ang dalawa sa mga gimikan.
Bukod pa ‘yan sa panunukso sa kanila ng mga co-host ni Vice sa Showtime.
Sa guesting ni Vice sa Tonight With Boy Abunda kamakailan, nilinaw ng Unkabogable Star ang tsismis sa kanila ng cager.
“Honestly, hindi ko jowa si Calvin. Hindi ko siya dyowa kasi para sabihin mong dyowa mo, iyong boyfriend kita tapos dyowa mo ako, hindi kami ganoon eh,” paglilinaw ni Vice.
Ayon pa sa komedyante, isa ang Team Phoenix Fuel Masters star player sa mga kaibigan niyang cager na hindi nahihiyang kasama siya.
“Sobra ko po siyang naa-appreciate kasi sa dinami dami ng naging kaibigan ko na basketball players, iilan lang doon ang naging proud na, ‘Malapit na malapit talaga ako kay Vice’,” aniya.
Pag-amin pa ng Kapamilya TV host, may mga male friends siya na hindi nagpo-post ng litrato kapag lumalabas o gumigimik sila dahil ayaw ma-link sa kanya.
“Si Calvin, he doesn’t care. Hindi siya nahihiya na makita ng mga tao na malapit kami sa isa’t isa dahil naniniwala siya na walang mali,” pahayag pa ni Vice.
“He makes me so happy. Siya iyong isa sa mga pinakamalalapit kong nakakasama lately at isa siya sa mga nakakapagpasaya sa akin,” hirit pa ng komedyante.
Sa tanong kung posible bang maging magkarelasyon sila ni Abueva, “I seriously don’t know. I don’t want to think about it. I just want to feel what I’m feeling right now.”
Nauna nang idinenay ni Abueva na lover niya si Vice, magkaibigan lang daw talaga sila at sweet sila sa isa’t isa. Ninong din daw si Vice ng isa niyang anak kaya walang malisya ang kanilang pagkakaibigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.