Rhian pinaglaruan ng multo; kaluluwa ng ‘madreng tulala’ nagpakita kay JM
NAKA-EXPERIENCE rin pala ng kababalaghan sina Rhian Ramos at JM de Guzman.
Kahapon sa mediacon ng bago nilang pelikula under TBA Studios, ang “Kung Paano Siya Nawala”, nagkuwento ang dalawa sa naging experience nila sa mga kaluluwang ligaw o hindi maipaliwanag na elemento.
Ayon kay Rhian, “Nakakaloka ‘yung water container namin sa bahay dati, ilang gallons yata ‘yun eh, basta ‘yung lalagyan ng drinking water namin parang nagkaroon ng sariling buhay.
“Punong-puno kasi siya, hindi namin alam paano nangyari, may narinig na lang kaming nag-crash tapos parang lumipad siya across the room then nu’ng lumabas kami, puro water na ‘yung sahig.
“So, hindi namin alam kung paano nangyari. Hindi siya parang nahulog lang sa table eh. Hindi namin alam paano siya nakarating doon sa kabilang side ng room. Parang may bumato, na walang nakakaalam kung sino.
“Ako ‘yung pinakaunang tao na tumakbo doon sa kitchen tapos wala namang tao. Nag-worry lang ako kasi narinig ko ring umiiyak ‘yung dog namin.
“Tapos kapag may mga nag-i-sleepover sa bahay maraming nagsasabi may naglalakad daw sa closet ko. May footsteps, ganu’n. Pero dati ‘yun, ngayon wala na. Umalis na siya and pinag-pray na namin,” kuwento pa ni Rhian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.