RIP...RJP: Mananatiling buhay ang iyong mga alaala... | Bandera

RIP…RJP: Mananatiling buhay ang iyong mga alaala…

Cristy Fermin |October 31,2018
facebook
share this

RIP…RJP: Mananatiling buhay ang iyong mga alaala…

Cristy Fermin - October 31, 2018 - 12:25 AM

Rico J Puno

Pumanaw na kahapon ang makasaysayang musikerong si Rico J. Puno. Abdominal Aortic Aneurysm ang medikal na terminong naging dahilan ng kanyang pagpanaw.

Dalawang taon na ang nakararaan nang matagal siyang nabakante sa pagkanta dahil sa sakit sa puso.

Inoperahan siya, nagkaroon pa nga kami nu’n ng isang benefit show para sa kanyang sitwasyon, sa pakiusap sa amin ng The OPM Hitmen.

Mahigit na tatlongdaang libo rin ang nalikom ng grupo para kay Rico, ang kanyang anak na si Tosca ang tumanggap ng tulong, agad nang ipinambayad ng kanyang anak sa mga doktor ang tulong ng mga kasamahang singers ng kanyang ama.

Ilang buwan lang pagkatapos ay bumalik sa pagkanta si Rico J., hindi pa ganu’n kalakas ang kanyang katawan, pero ang kanyang katwiran ay mas manghihina raw siya kapag wala siyang pinagkakaabalahan.

Ilang araw pa lang ang nakararaan ay nagpahayag pa si Mayor Abby Binay na kailangan muna niyang magpalakas bago sumabak uli sa pagkandidato bilang konsehal ng Makati.

Ayon sa mayor ng lunsod ay hindi na niya kakayaning mangampanya kung hindi maayos ang kanyang kalusugan. Nu’ng isang araw lang sinabi ‘yun ni Mayor Abby.

Nawala man si Rico J. Puno ay mananatiling buhay sa ating alaala ang mga piyesang pinasikat niya. Sino ba ang makalilimot sa mga kanta niyang “Kapalaran,” “Lupa” at marami pang ibang kantang minahal ng publiko.

RIP, RJP.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending