Congressman nakipag-lips to lips sa lalaki | Bandera

Congressman nakipag-lips to lips sa lalaki

Leifbilly Begas - October 30, 2018 - 04:32 PM

LALAKI ang first kiss ni Magdalo Rep. Gary Alejano.

Ito ang natatawang pag-amin ni Alejano sa kanyang pagharap kahapon sa Tusok-tusok series ng Bandera at Libre na ginawa upang mas makilala ng mga botante ang mga kandidato sa 2019 elections.

Sa mala-slam book na tanong kung sino ang kanyang first kiss, napangiti si Alejano sa kanyang pag-amin. Sinabi niya na nangyari ito noong siya ay nasa Philippine Military Academy at bilang parusa matapos akuin ang pag-iingay.

“Mahirap na tanong yan. Ito ha, ang first kiss ko lalaki. Yung kahalikan ko hiyang-hiya pa hanggang ngayon eh. Sa PMA kasi pag nasa first year ka bawal mag-ingay, bawal mag-usap, kapag nahuli kayong nag-usap ipapa-lips to lips kayo,” ani Alejano.

Kuwento nya naglilinis siya at ang kanyang mga kaklase ng banyo ng dumating ang mga upper class nila, ‘sinong nagkukuwentuhan?’ tanong ng mga ito.

“Tahimik lahat, gusto ko na akuin eh para wala ng problema. Sabi ko ‘ako’ of course may kausap ka, namili na lang ako dun, ‘siya ang kausap ko’, okay lips to lips kayong dalawa,” kuwento ng solon.

Sinabi ni Alejano na aktibo pa ngayon sa Philippine Army ang kanyang nakahalikan.

Si Alejano ay isa sa mga nasugatan sa pakikipagbakbakan ng mga sundalo sa mga Moro Islamic Liberation Front ng magdeklara ng all out war ang Estrada administration noong 2000.

Nasabugan siya ng mortal habang umaatras ang kanilang tropa matapos na walang dumating na reinforcement.

Muling nanganib ang kanyang buhay ng hindi magbukas ang kanyang parachute matapos tumalon sa helicopter bilang bahagi ng military exercise. Siya ay bumagsak sa bangin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending