Lalaki patay matapos makuryente habang nananalasa ang bagyong Rosita sa Tarlac | Bandera

Lalaki patay matapos makuryente habang nananalasa ang bagyong Rosita sa Tarlac

|October 30,2018
facebook
share this

Lalaki patay matapos makuryente habang nananalasa ang bagyong Rosita sa Tarlac

- October 30, 2018 - 04:01 PM

PATAY ang isang lalaki matapos makuryente habang tinutulungan ang isang rider matapos mahulog sa sinasakyang motorsiklo sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Rosita sa Tarlac, kaninang umaga.

Sa isang panayam sa DZMM, sinabi ni Engr. Genesis Santiago, head ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na nagyari ang aksidente ganap na alas-5 ng umaga sa provincial road sa San Clemente, Tarlac.

Tinulungan ng biktima ang sakay ng motorsiklo na nahulog matapos na makuryente rin.

Idinagdag ni Santiago na dinaanan ng rider ang mga bumagsak na kable ng kuryente mula sa poste na nabuwal dahil sa lakas ng hangin dulot ni Rosita.

“Meron pong natumbang poste, and then yung isa pong naka-motor dadaan siya don, pinilit niyang dumaan kaya nakuryente po siya, nasagi po niya yung kable,” sabi ni Santiago.

“Tapos ito pong casualty natin, tutulungan po sana yung victim, ang kaso po nadamay po siya sa kuyente. So siya po yung namatay ngayon,” ayon pa kay Santiago.

Dinala naman ang sakay ng motorsiklo sa isang ospital, kung saan nasa kritikal na kondisyon din ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending