Sarah Lahbati walang kaarte-arteng sumabak sa initan, pasadung-pasado sa mga Dabarkads | Bandera

Sarah Lahbati walang kaarte-arteng sumabak sa initan, pasadung-pasado sa mga Dabarkads

Jun Nardo - October 27, 2018 - 01:00 AM

SARAH LAHBATI

WALANG pakialam sa init at alikabok si Sarah Lahbati nang sumalang sa “Juan For All, All For Juan” segment ng Eat Bulaga.

Talagang game na game siyang nakipagsabayan kina Maine Mendoza at Paolo Ballesteros kaya aliw na aliw ang mga tao nang inilabas ng partner ni Richard Gutierrez ang kakikayan niya!

Nakilala kasi ng mga tao si Sarah na mahiyain at parang hindi makabasag ng pinggan dahil sa image niya. Eh, naging sheltered pa siya nang maging isang ina.

Kinuha siya ng Eat Bulaga para maging guest co-host at naging maganda naman ang feedback ng viewers sa presence niya sa show.

Alam naman ninyo sa Bulaga, hindi puwede ‘yung hindi ka sumabay sa kabaliwan ng mga Dabarkads.

Tingnan nga ninyo si Meng, hasang-hasa na ngayon sa pagpapakita ng kabaliwan niya sa programa na kinaaaliwan ng mga manonood, huh!

Ngayong napakita na ni Sarah na puwede siyang dalhin sa labas ng studio, asahan ang hatid pa niyang mas maraming sorpresa dahil agad siyang sumakto kina Maine at Paolo na sanay na sanay na sa paghahatid ng good vibes at sandamakmak na cash sa “Juan For All” segment, huh!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending