Manlolokong female celeb 'Gimik Queen', pati BF nabiktima | Bandera

Manlolokong female celeb ‘Gimik Queen’, pati BF nabiktima

Cristy Fermin - October 26, 2018 - 12:40 AM

NAGING paksa sa isang malaking umpukan ng mga taga-showbiz ang isang lutang na lutang ang gandang female personality na ayon sa grupo ay ipinaglihi sa hinog na mangga.

Hinog na mangga, na ang ibig sabihin ay manggagamit ang magandang babae, gagawin niya ang lahat-lahat para lang matupad ang kanyang mga pangarap.

Kuwento ng isang miron sa umpukan, “Ilang beses na niyang napatunayan na hindi siya umuurong sa kahit anong klase ng laban. Kapag bumagsak siya, bangon agad ang girl, para ituloy ang laban kung saan siya nabigo.

“Ganu’n siya talaga. Mahabang preparasyon ang ginawa niya para lang makuha niya ang pinapangarap niyang korona. Grabeng paghahanda ang ginawa niya, halos hindi na nga siya makilala ng mga dating kaibigan niya pagkatapos ng ginawa niyang preparasyon.

“Matindi siyang mangarap, walang urungan ang nasa bokabularyo niya, talagang hindi siya bibitiw hanggang hindi niya nahahawakan ang tagumpay,” unang kuwento ng impormanteng nakakakilala sa babaeng ito.

Aminado rin ang source na kaya niyang isantabi ang totoo sa hindi para lang mapag-usapan siya. Parang tau-tauhan lang ang kanyang karelasyon, kinakausap niya ito, para lang palabasing tapos na ang yugto ng kanilang pagmamahalan.

“Siya ang gumagawa ng sarili niyang script, meron siyang talent sa ganu’n, kayang-kaya niyang gumawa ng mga kuwento para lang magtagumpay siya sa pinapangarap niyang position.

“O, di ba, nagtagumpay naman siya? Pinalabas niyang break na sila ng boyfriend niya nu’n, kasi nga, kailangang kumita ang una niyang pagtatangka sa pagiging actress ngayong may korona na siya?

Nagmukhang ewan ang BF niya, pinagbawalan niyang gumamit ng mga accounts, by phone lang sila nag-uusap para hindi mabuking ang drama niyang hiwalay na sila.

“Kumita ang movie, kinilig ang marami, dahil pinalabas ng girl na tapos na sila ng BF niya at ang ka-partner niyang male personality ang kiyemeng mangliligaw niya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Naku, ha? Kabisado na ng mga nakapaligid sa kanya ang mga drama niya, she has to really watch her back, dahil marami nang naloloka sa mga kadramahan niya para lang makuha ang gusto niya!” madiing pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, getlak n’yo na kung sino siya, di ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending