Bagong HIV law pipirmahan ni Du30 | Bandera

Bagong HIV law pipirmahan ni Du30

Leifbilly Begas - October 24, 2018 - 05:44 PM

LALAGDAAN ni Pangulong Duterte ang bagong batas upang malimitahan ang pagdami ng HIV-AIDS sa bansa.
Ayon kay House Majority Leader Rolando Andaya Jr., ang Philippine HIV and AIDS Policy Act, ang papalit sa Philippine National AIDS and Control Act of 1998 (RA 8504).

“RA 8504 serves as the national legal framework in the country’s fight against AIDS and we need to make it more responsive considering the advances in HIV research and policy,” ani Andaya. “This is an urgent task and we need to act fast. Time is not on our side.”

Niratipika ng Kongreso ang panukala noong Oktobre 10.

Ayon sa Philippine National AIDS Council ang Pilipinas ang isa sa mga bansa na pinakamabilis ang pagkalat ng nabanggit na nakamamatay na sakit.

Mula Hunyo 1984 hanggang Hulyo 2018, umabot na sa 57,134 ang kaso ng HIV-AIDS sa bansa.

Sa ilalim ng panukalang batas, palalakasin ang program ang DOH laban sa HIV-AIDS at maglalatag ng mga estratehiya upang mapigilan ang pagkalat nito.

Ang mga nahawa ay tutulungang makapagpagamot at mabigyan ng libreng gamot.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending