Puting panyo at walang salamin | Bandera

Puting panyo at walang salamin

Susan K - October 24, 2018 - 12:10 AM

SA mga patakaran na maaaring ipatupad sa mga marinong aplikante ang isang kumpanya, may dalawa na ikakamot mo ng ulo: dapat ay hindi nagsasalamin at dapat palaging may dalang puting panyo.

Parang hindi kapani-paniwala pero ito rin ang kumpanyang ayaw tumaggap ng mga babaeng marino.

Nang may nag-apply sa kanilang nakasalamin, sinabi nilang hindi sila tumatanggap ng nakasalamin!

Palibhasa pursigido ang aplikanteng ito na makasakay na nang barko kung kaya’t sinikap ng kanyang pamilya na pagtulungang makaipon ng malaking halaga upang makapagpa-lasik ito.

Isa itong proseso para sa correction ng vision na nagkakahalaga ng P60,000 hanggang P100,000.

Hinaing ng mga magulang ng aplikante, iginapang na nga nila ang pag-aaral ng kanilang anak, ngayon, kailangan pa pala nilang gumastos para sa paningin ng anak.

Kaya naman matapos ang surgery, excited na ang jobseeker. Nagbalik sa naturang manning agency ang aplikante at sinabing nagpa-lasik na siya.

Ngunit laking gulat niya nang sabihin ng staff sa kaniya na, “Wala naman kaming sinabing magpagamot ka ha.”

Gayunpaman, itinuloy na rin niya ang pag-aaplay. Naipasa niya ang mga exam, pero hanggang ngayon nakatunganga pa rin siya.

Tatlong oras siyang pumipila upang mag-followup lamang. Di puwedeng umupo. Dapat naka-uniporme at ang pinakamahalaga, may dalang panyong puti.

Kulang na lang pagsisihan ng mga magulang ng aplikante kung bakit pagbabarko pa ang pinag-aralan nito.
Ang totoo nga, napakaraming mga nagsipagtapos sa maritime school pati na ang mga hindi makapagtapos dahil hindi makakuha ng cadetship program o internship training ang patuloy na nakatunganga pa rin at umaasang makakasakay ng barko.

Bakit hindi kaya iyan ang pagtuunan ng pansin sa halip na kung anu-anong mga pahirap at pabigat ang pinapataw sa ating mga marino.

Tanging ito lamang na manning agency na ito ang nalaman nating nagpapataw ng napakaraming mga regulasyon, ngunit di naman naayon sa batas.

Sana naman, maging bahagi kayo ng solusyon uapng tulungang maiangat ang maritime industry.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM(M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziqHelpline: 0998.991.BOCW E-mail: [email protected]/[email protected]

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending